CHAPTER ELEVEN

137 25 1
                                    

"Bakit ka nandito?" Masungit kong tanong sa kaniya at tumayo.

Kasunod ng katulong naming pumasok si Damien na may dala-dala pang bag.

"Ma'am, kuha lang po ako ng juice para sa bisita niyo." Paalam sa akin ng katulong namin.

"Tubig lang po ang sa kaniya, akin po ang juice." Hirit ko sa katulong bamin.

"Ang sungit mo naman!" Ngumiti siya at binuksan ang bag niya. "Hindi mo ba ako papaupuin?"

Tinaliluran ko siya at tinignan ulit ang cellphone ko, nandoon pa ang pangalan niya. Agad ko itong pinatay at nilagay sa lamesang malapit sa sofa.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko ulit sa kaniya.

Nilabas niya ang isang notebook na kulay asul. "Naiwan mo kasi ito."

Kinuha ko naman agad ang notebook na iyon, mukhang hindi ko naipasok sa bag ko kanina. "Umupo ka na d'yan!"

Umupo siya agad at maya-maya lang ay lumapit ang katulong namin na may dalang isang baso ng tubig at isang baso ng mango juice. Inilapag niya ito ng dahan-dahan, nagpasalamat si Damien at ganun din ako, bumalik na rin sa ginagawa niya ang katulong namin.

"Saan mo nakuha ang address ko?" Tanong ko sa kaniya at inilapit sa kaniya ang juice, kinuha ko ang tubig at ininom. "Pauwi na ang mommy ko."

"Kay Neryl at tinignan ko rin sa likod ng notebook mo, nakasulat if you find this kindly return to this address." Sagot niya naman at tinuro ang notebook ko.

Tinignan ko naman ang tinutukoy niya at nandoon nga sa likod ang address ko pero walang pangalan ko.

"Paano mo nalaman na sa akin 'to?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Nasa upuan mo kasi 'yan, tinanong ko si Neryl kung address mo ba ang nakasulat." Paliwanag niya, "Oo sabi niya."

Bago pa ako makapagsalita ulit at narinig ko ang pagbusina ng mommy ko mula sa labas ng bahay. Kinabahan ako dahil si Damien pa lang ang lalaking nakapunta rito sa bahay, bakas din sa mukha niya ang pagkatakot.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kaniya.

"Uuwi na ako, marami pa akong gagawin sa bahay." Sagot niya naman at inayos ang sarili niya.

Bago pa man siya makatayo ay iniluwa na ng pinto si mommy, naglakad siya palapit sa amin at tumigil nang makita na may kasama ako.

"Oh, may bisita ka pala anak?" Tinignan niya si Damien mula ulo hanggang paa.

Nagbless ako sa kaniya at binulungan siya, "Sorry mommy!"

Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti, "Sana sinabi mo sa akin para makabili ako ng masarap na spaghetti at pizza para inyong dalawa."

"Good afternoon po ma'am." Bati ni Damien sa mommy ko at lumapit, nag-bless ito sa kaniya at hindi tinanggihan ni mommy ang kamay nito.

"Ah, mommy!" Taranta kong panimula dahil hindi ko pa pala siya napapakilala. "This is Damien, our class president and top of the section."

"Don't call me ma'am ah." Sabi ni Mommy at ibinaba ang bag niya. "Call me tita na lang, sabay ka na sa amin kumain."

"Paalis na raw po si mommy." Mabilis kong sabi kay mommy at tinignan si Damien. "Hindi ba?"

"Ay opo, paalis na rin po ako." Inayos muli ni Damien ang sarili pati ang bag na dala nito.

Tinitigan ako ni mommy at binigyan ng nagtatakang mukha, "Huwag mo nga itaboy ang bisita mo anak, sumabay ka na sa amin Damien."

"Iwan mo na ang bag mo d'yan." Utos ko kay Damien. Nang ibaba niya ay hinila ko agad siya papuntang dining table. Umupo ako sa, pinaupo ko naman siya sa tabi ko at si mommy ay kaharap namin.

"Kumusta ang Catherine ko sa school niyo Damien?" Tanong ni mommy sa kaniya.

Magsasalita na sana siya pero naunahan ko siya, "Sobrang epal po noong isang kaklase ko pero he help naman po."

Nilapag ng mga katulong namin ang kanin, mga ulam at mga baso. Sinandukan ko na si Damien para hindi na siya magpaabot pa, ako naman na rin ang nasa harapan kaya ako na rin ang nagsandok pati nung kay mommy.

Sumubo kaming tatlo, kita sa mata ni mommy na may gusto siyang sabihin kaya nginuya niya muna nang mabuti ang kinakain niya bago siya magsalita.

"Baka naman kasi gusto ka kaya nagpapaepal sayo!"

Sabay kaming nasamid ni Damien at kumuha ng sari-sariling tubig. Tinignan ko siya na halos mabulunan na sa kakainom. Humarap siya sa akin, nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi ni mommy at ang mukha ni Damien ngayon kaya bigla kong nabuga sa kaniya ang tubig na laman ng bibig ko.

"Ano ba yan Catherine?!" Sigaw ng mommy ko at tumayo agad sa upuan niya para puntahan kaming dalawa ni Damien. "Manang tuwalya po, pakibilis!"

Humalakhak ako at tumawa naman si Damien, basang-basa ang mukha niya dahil sa ginawa ko.

Binigay naman agad ng katulong namin ang tuwalya, si mommy na ang nagpunas sa mukha ni Damien.

"Ako na po." Kinuha naman agad ni Damien ang tuwalya mula kay mommy at pinunas sa sarili niya.

"Bastos kang bata ka, ayos ka lang ba Damien?" Tanong ni mommy sa kaniya habang pinapalo ang balikat ko.

"Ayos lang po ako!" Nakangiting sagot ni Damien.

Napansin kong pati ang damit niya ay nabasa, pumunta ako sa kwarto ni daddy na merong mga lumang damit at kumuha ng kakasya kay Damien.

"Saan ka galing?" Tanong ni mommy kaya winagayway ko ang damit na dala ko. "Buti at naisip mo 'yan."

Binigay ko agad ito kay Damien, tinanggihan niya pa dahil ayos lang daw siya pero pareho kaming makulit ni mommy kaya napa-oo rin naman siya agad. Hinatid ko siya sa CR at bumalik sa upuan ko.

"Siya ang epal sa unang araw mo, ano?" Tanong ni mommy sa akin at tinitigan ako. Tinaas niya ang kilay niya, "Natawa ka pa ah, ikaw ata ang may gusto?"

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya.

"Uy, nagblush ang anak ko!" Naturuwa niyang sabi at hinawakan ang pisnge niya na parang kinikilig.

"Magaling siya sa AP ma." Sabi ko sa kaniya at tumahimik na rin dahil lumabas na si Damien sa CR.

Napansin ito ni mommy at niyaya ulit si Damien sa lamesa, umupo naman din siya agad sa tabi ko.

Binigyan ng katulong namin si Damien ng bagong plato at nilagyan ko ulit ito ng bagong kanin.

"Pasensya ka na talaga Damien." Sincere na sabi ni mommy sa kaniya. "Balita ko magaling ka raw sa AP?"

Nanlaki ang mata ko nang sabihin 'yon ni mama.

"Hindi naman po!"

"Turuan mo rin anak ko kapag may oras ah." Mahinahong hiling niya. "Sa subject na 'yan siya medyo, alam mo na."

"Sige po."

Kumain kaming tatlo ng tahimik, hindi na rin nagsalita si mommy at ako naman ay nanahimil na dahil hindi maganda ang pagbuga ko sa kaniya pero nakakatawa.

"Ako na po ang maghuhugas ng plato." Presinta ni Damine noong natapos na kami kumain.

"Hindi na Damien, kami na ang bahala." Kinuha ni mommy ang mga plato at sinundan naman siya ng mga katulong namin.

Tumayo na ako at dinala si Damien sa sofa. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bag at binuksan, pagkatapos ay binalik niya rin agad.

––––——

Lumabas kaming tatlo dahil paalis na si Damien.

"Damien, bumalik ka kapag may oras ah!" Naglakad si mommy palabas ng gate at sinundan naman namin siya ni Damien, "Saan ka pala nakatira?"

"Sa Kalumpang lang po." Lumapit siya kay mommy. "Maraming salamat po!"

"Pahatid na kita sa driver namin o si Catherine hatid ka sa may gate ng village."

Tinignan ko si mommy ng masama at tinignan ko rin si Damien, umiling-iling ako at tumango lang siya.

"Hindi na po! Mukhang busy po siya ngayon." Ngumiti sa amin ni mommy. "Mauna na po ako, maraming salamat po!"

Pinanood namin siya ni mommy na makalayo, pumasok na rin kami agad.

"What is his name again?" Tanong ni mommy at umupo sa sofa. "Damien?"

"Damien Risco Pineda."

"Yung cellphone mo narito!" Itinaas niya ang phone ko. "Kapag nahigaan ko ito at nasira, hindi kita bibilha ng bago."

Agad ko naman itong kinuha at binuksan, nandito pa rin ang feed na iniscroll ko kanina noong hinahanap ko ang account ni Damien.

"Hindi ka man lang nag-sorry kay Risco kanina sa ginawa mo." Humiga si mommy at pinatay ang TV na kanina pa bukas. "Hinsi maganda 'yon!"

"Sorry mommy." Umakyat agad ako ng kwarto dala ang cellphone ko.

Nagbihis ako at humiga sa kama ko, hindi ko na i-nadd si Damien dahil baka mapagkamalan niya na tama ang sinabi ni mommy kanina.

Hello! Friends na tayo ah.
-Anne, Joyce and Rachel.
Ito lang pala. Huminga ng malalim ang dalaga at humiga sa kama.

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now