Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nakita sa kama ang regalong natanggap ko. Agad ko itong kinuha at binuksan. Pagbukas ko ay biglang bumuhos ang mga picture naming dalawa ni Isko noon. Binali-baliktad ko pa ang kahon na laman nito ngunit wala akong nakitang kahit anong sulat, umiiyak akong tinignan bawat isa ang mga larawan. Nakita ko ang paglalaro namin sa buhangin, pagpitas ng mga bulaklak at pagbake ng kung ano-ano. Pinunasan ko ang luha ko, nakita ko ang likod ng wrapper na may sulat. Kinuha ko ito at tinignan ngunit punit ito, hinanap ko agad ang tape at pinagsama-sama ang mga piraso para mabuo at mabasa ko.
Matandang kupong-kupong,
It's been how many years since we last go out and play? I never imagine na magkakaroon ulit tayo ng contact after what happened to us, I'm Isko. Hope you will have a good christmas!I know it's from Damien, lumabas agada ko ng bahay para hanapin siya. Pinuntahan ko agad ang gate ng subdivision ngunit wala siya, walang anino niya. Umiiyak akong bumalik habang hawak ang mga pictures at ang tagpi-tagping wrapper.
Dumaan ako sa garden ni tita Laleh, nakakita ako ng isang matangkad na lalaki at animo'y may hinihintay. Nilapitan ko ito at nakita si Jack at Rachel.
"Bakit nandito kayo?" Tanong ko sa kanila. "Gabi na, akala ko umuwi na kayo?"
"Catherine, kasama kami sa plano kaya tignan mo na kung sino ang nasa likod mo." Masayang sabi ni Rachel at tinuro ang likod ko.
Tumingin naman agad ako sa likod ko at nakita ko si Damien na may hawak na bulaklak kasama ang iba ko pang mga kaibigan na sina Anne at Joyce. Niyakap ko agad si Damien, nagulat siya at napakap na rin sa akin.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Tanong ko sa kaniya at sinuntok ang dibdib niya.
"Natatako–"
"Hindi ka natatakot, pakainin kita ng buhangin eh!" Sabi ko sa kaniya. "Nakakaasar ka!"
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko dahil nagbalik sa akin ang mga nangyari noon, kung paano ako umiyak noong hindi na kami naglalaro at hindi na sila dumadalaw pati ang mga kasungitan niya sa akin noon.
"Huwag ka nang umiyak." Iniharap niya ang mukha ko sa mukha niya at pinunasan ang luha ko. "I'm so sorry!"
"Maiwan na namin kayo guys, enjoy!" Sabi nila Anne at timawag na ang iba para umalis.
Pumunta kaming dalawa ni Damien sa bahay at nakita sina mommy at daddy na nasa kusina. Lumapit kaming dalawa, nagbless si Damien.
"Mommy at Daddy, si Damien po ay si –"
"Isko!" Sabay nilang sabi na ikinagulat ko.
"Alam niyo po?" Tanong ko sa kanilang dalawa at tinignan si Damien.
Tumango silang dalawa.
"Ang daddy mo ang unang nakakilala sa kaniya."
Nagkwentuhan kaming dalawa ni Damien tungkol sa mga nangyari, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya. Hindi ko ma-explain pero sa pagkakataon na ito alam ko na sobrang saya ko.
Marami akong natutunan mula sa iba't ibang mga tao ngayong taon, nakilala ko ulit ang kaibigan ko na matagal ko na ring hinahanap at nagkaroon ako ng bagong mga kaibigan.
"Catherine, gusto kita." Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Walang pressure, kapag handa ka na doon mo ako sagutin pabalik."
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Teen FictionMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...