TWENTY THREE

167 15 0
                                    

Pagkatapos namin ay dumiretso kami sa bahay, hindi ko nakita si Damien na sumama sa amin.

"Wala si Damien?" Bulong na tanong ko kay Joyce.

"Wala ata siya eh, hindi ko nakita." Balik na bulong nito.

Pumasok kami sa bahay at bumungad sa amin ang magandang desenyo sa bahay. Ngayon ko lang nakita na ganito kabuhay ang bahay namin, marami ang palamuti.

Noong umalis ako kanina ay nakakita ako ng mga kahon, ito siguro ang laman.

"Feel at home mga anak!" Bungad ni mommy sa lahat.

"Bakit di mo buksan yang regalo mo?" Lumapit sa akin si Rachel.

"Mamaya na, marami pang tao." Sagot ko sa kaniya. "Mag-enjoy na lang muna tayo."

Nakahanda sa sala ang mga pagkain, ang tv naman ay nakabukas para sa karaoke at marami ring lamesa at upuan pati sa bakuran.

Unang kumanta si Joyce, kasunod naman si Anne at sumunod na rin ang iba. Umupo lang ako sa hindi kalayuan, nakita ako ni mommy kaya pinuntahan niya ako.

"Bakit ganiyan ang mukha mo?" Tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Nag-usap po kami, sinabi niya po sa akin ay may mas deserve pa raw po ako." Kwento ko sa kaniya, "Nakatulong po ang pagkausap ko sa kaniya para gumaan ang pakiramdam ko."

Niyakap niya naman ako, "And I know he's right, you deserve something more."

Naluha ako pero agad ko rin itong pinunasan.

"Si Damien?" Tinignan niya ang mga tao. "Mukhang wala siya ngayon ah?"

"Hindi po maganda ang nangyari sa amin." Yumuko ako.

"Oh, nandito pala siya eh!" Tumayo si mommy at nilapitan ang lalaking papasok ng bahay namin.

"Kumusta po kayo tita?" Narinig kong tanong niya kay mommy.

Tinignan ko ng maigi at kung paano siya kausapin ni mommy. Hinawakan nito ang ulo ni Damiem at tinignan ang sugat niya, tumawa ito kay mommy.

"Nandoon si Catherine." Sabi ni mommy at tinuro ako.

Ngumiti naman si Damien at nilapitan ako. Pag-upo niya sa harap ko ay sumimangot lang siya.

"Bakit ka pa pumunta rito kung ganiyan lang ang gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya gamit ang pinakamasungit kong tono.

"Thank you sa regalo!" Tumayo siya. Tatayo na rin sana ako kaso lumapit sa akin si Anne.

"Halika na, party niyo ito kaya dapat nag-enjoy ka!"

⊱ ────── {.⋅ 𓆝 ⋅.} ────── ⊰

Natapos ang party ng six ng gabi, nagsiuwian narin ang lahat at natira kami nina Anne, Luke, Joyce, William, Wilson, Rachel atDamien. Kami na ang naglinis at nag-ayos ng mga upuan, si mommy naman ayumakyat na dahil maaga pa ang pasok niya bukas. Si daddy naman ay wala pa,sigurado akong late na rin siya uuwi.

"Binuksan mo na ba ang regalo mo, Catherine?"Curious na tanong no Joyce sa akin.

Tumigil naman ang lahat sa kanilang ginagawa athinintay ang sagot ko.

Umiling lang ako habang pinagpapatuloy angginagawa ko, ganun din sila.

Bago ko sila ihatid sa gate at binigyan sila niNanay ng pagkain, binigyan din ako para raw may kainin sila habang naglalakad.

"Thank you Catherine!" Sabi ni Rachel habangpalabas ng gate ng village. "Nag-enjoy kami."

"Salamat Cath, see you next year!" Sabi naman niAnne.

"Thank you Cath!" Sigaw naman ng kambal.

Si Damiem at Joyce naman ay magpahuli, nangtumapat sila sa akin ay ngumiti si Joyce at kinindatan ako. Nilagpasan niya akoat iniwan si Damien na kasama ako, hindi naman ito nagsalita.

"Ingat kayo!" Sabi ni Joyce at sabay sabaysilang naglakad.

Si Damiem ay nakatayo lang sa tabi ko.

"Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ko sa kaniya atnagsimula nang maglakad pabalik.

"Hindi pa, iikot pa ako sa buong village niyo."Sabi nito at sinabayan akong maglakad.

"Gabi na, baka hanapin ka pa ng mga kasama mo sabahay."

"Nagpaalam naman ako sa kanila na gagabihinako." Kontra niya sa akin. "Sasamahan mo ba ako?"

Tumango ako pero nakatingin lang ako sadinadaanan namin. Lumiko kami papunta sa Rose street.

"Dito ka ba bumili ng school supplies?" Turo kosa malaking store na nasa harapan namin.

Tumango siya sa akin.

"Magtatanguan na lang ba tayong dalawa?"

"Ikaw kaya nauna."

Tumango ako, tumawa naman siya at tinuro ako.

"Makulit ka pa rin talaga!" Natatawang sabiniya.

"Noong nakaraan," Tumigil ako sa paglalakad."Hindi ko sinasadya 'yung sinabi ko."

"Friend." Madiin niyang sabi. "You don't need tobe sorry, I understand where you are coming from."

"Nasaktan ako kasi umasa ako." Naglakad kamihanggang makarating sa garden ni tita Laleh. "Masayang umasa pero masakit."

Ngumiti siya sa akin, "Hindi rin magandangmagpaasa."

"Curious ako kung sino gusto mo, si Joyce ba?"

Tumawa lang siya nang tumawa, hindi siyamakasagot dahil inuna niya ang pagtawa.

"Hindi pero malapit sa kaniya." Sagot nito atpinunsan ang mata dahil naluha na siya sa kakatawa.

"Kapatid niya?"

Tumawa ulit siya, "Ewan ko sayo Kupong-kupong!"

Tapos na kami umikot at nang makarating sa bahayay nagpaalam na siya agad.

"Thank you Catherine!" Sabi nito. "Pakitignanang wrapper ng regalo ko."

Tumakbo siya palayo sa akin, nakangiti lang akohabang pinapanood siya. Pumasok na rin agad ako sa bahay at ni-lock ang gate.

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now