CHAPTER EIGHT

185 35 11
                                    

"Lahat naman siguro ay agree na huwag na magbalik-aral." Sabi ni Hector sa lahat, nagsulat siya sa board ng salita at ang salita ay Migrasyon. Ibinaba niya ang chalk na hawak, tinignan niya isa-isa ang mga estudyante at nagsimulang magtawag para pagpaliwanagin.

"Rachel!" Tawag niya na agad namang nakapagpatayo kay Rachel. "Ano ang migrasyon?"

"Ang migrasyon po ay..." Huminto siya at nag-isip, "Ano po."

"Ang migrasyon po ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang manirahan." singit ni Damien yabang Pineda. "May dalawang uri ng migrasyon ang panlabas at panloob, ang—"

"Mr. Pineda, hindi ikaw ang tinatanong!" Masungit niyang bato kay yabang.

"P-Pasensya na po, sir." Agad na umupo si Rachel.

"Katulad ng sinabi ni Mr. Pineda, dalawa ang klase ng migrasyon." Kumuha siya ulit ng chalk. "Ms. Catherine, pakisulat nga yung dalawang uri ng migrasyon." Kinuha ko agad ang chalk magmula sa kamay niya, isinulat ko ang sinabi ni Damien yabang Pineda sa blackboard.

Panloob
Panlabas

"Anong ibig sabihin niyan?" Tanong sa akin ni Hector.

Akala ko ba susulatin ko lang? Hindi ko alam kung paano 'to ipapaliwanag. Natameme ako dahil lahat ng mga tao sa room ay nakatingin sa akin at nag-aabang sa sagot ko. Tumingin ako kay Damien, may itinataas siyang board at may nakasulat dito.

Migrasyon na panloob o Internal migration meaning sa loob ng bansa, lilipat lang sa bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa ibang pook obviously kabaliktaran nito ang International Migration.

Pinilit kong basahin ang mga nakasulat, napansin ni Hector na nanliliit ang mga mata ko habang tumitingin sa likod kaya tinignan niya rin ang tinitignan ko ngunit hindi niya naabutan na mayroong tinataas si Damien yabang Pineda dahil ibinaba niya ito agad bago pa siya makalingon.

"Ms. Catherine, ako sasagot ka ba?" Mataray na tanong ni Neryl.

Umupo si Hector sa upuan ko at kinausap si Anne.

"Ang panloob ay sa loob po, I mean yung tao lilipat lang sa loob ng bansa, lalawigan to lalawigan o bayan to bayan. Ang panlabas naman ay bansa to bansa halimbawa na lang is Philippines to Korea ganoon po." Nginitian ko si Damien yabang Pineda para ipakita na nagpapasalamat ako sa kaniya.

"Pwede ka na umupo." Tumayo si Hector mula sa upuan ko.

Umupo naman agada ko, inabutan ako ni Anne ng isang papel.

"Bigay ko raw sayo sabi ni sir, hindi ko binasa." Sabi niya at itinaas ang kanan niyang kamay.

Cath,

Bukas ulit, kasama si Mang Caloy. 2:00pm

Tinignan ko si Hector na ngayon ay may sinusulat mulo.

Migrant- pansamantalang lumipat.
Immigrant- permanente ng nandoon.

"Sino dito ang may parents na ofw?" Malakas na tanong ni Hector sa lahat.

Nagtaas ng kamay si Anne, Damie yabang Pineda, Rachel at tatlong iba pa.

"May pwede bang magkwento kung paano sila napunta sa ibang bansa at kung migrant ba o immigrant?"

Tumayo si Anne at nagsimulang magsalita, "Si mama po ay 3 years na sa Kuwait at sigurado akong migrant siya dahil nandoon lang po siya para magtrabaho."

"Magaling, sino pa ang pwedeng magbahagi sa klase?"

Tumayo agad si Rachel, "Ako po!"

Tumango lang si Hector sa kaniya bilang senyales na magsalita na.

"Si mama po ay migrant din sa Singapore, lumipat po siya sa UAE. Since six years old pa lang po ako ay nandoon na po siya."

"Ako naman po ang kasunod," Tumayo agad si Damien. "Immigrant si mama sa Thailand, migrant siya noon kaso lang nakapangasawa na siya doon." Masayang sagot nito. "Matagal na siya doon!"

Pagkatapos niyang magsalita ay nag-ring na ang bell hudyat na recess na kaya nagsilabasan na ang mga estudyante.

Lumapit ako kay Damien na tahimik na nakayuko ang ulo sa likuran. "Ano, sala—"

"Tatanggapin ko 'yang salamat mo kapag sinamahan mo akong lumabas," Tumayo siya sa upuan niya at nilagpasan ako, dumiretso siya sa labas. "Ano pang hinihintay mo? Para kang matandang kupong-kupong."

"Kupong-kupong?" Tanong ko sa sarili ko at sumunod na rin sa kaniya, "Para ka namang kulupong!" Sigaw ko sa kaniya na ikinangisi niya.

"Sa baba ang canteen, hindi ba?" Paulit-ulit na tanong ko sa kaniya habang pababa kami.

"Ang dami mong tanong, sumunod ka na lang!" Irita niyang sagot sa akin kaya naman nanahimik na lang ako habang pababa kami.

Nang makarating kami sa canteen, wala pang masyadong tao kaya nakahanap kami ng pwedeng upuan sa loob.

"Matandang kupong-kupong, upo ka muna." Yaya sa akin ni kulupong. Inalalayan niya ako at nang pag-upo ko ay sumalampak ang pwet ko sa sahid. "Sorry!" Tinanggal niya ang upuan bago ako makaupo kaya ang sakit ng pagbagsak ko.

"Bwesit ka!" Tumayo agada ko at pinagpagan ang palda ko.

"Ang lampa mo!" Humalakhak siya at binitawan ang upuan na tinanggal niya. "Tulungan n akita."

"Wag mo nga ako hawakan!" Galit kong pinalo ang kamay niya. "Kung ayaw mo tanggapin ang thank you ko, sige wag na!" Malakas kong sigaw at naglakad palayo.

"Catherine, sandali lang!" Dinig kong sigaw niya at lumapit sa akin.

Hinarap ko siya at tinignan sa mata niya, "Pwede ba kapag may problema ka sabihin mo na lang sa akin? Nakakaasar ka!"

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan, "I don't want your thank you, gusto ko sumabay ka sa aking kuma—"

"Yun naman pala eh, bakit mo pa ako pinasama rito sa baba kung ayaw mo naman pala ng thank you ko?" Binawi ko ang kamay ko at dinuro siya. "Sabay tayo kumain tapos ano? Ipapahiya mo ako para makaganti? Ayokong pagtawanan ng tao, nagbabago na nga ako eh!"

"Alam ko!" Mahina niyang sabi, "Ang oa mo naman kupongs."

Bigla akong nagulat sa sinabi niya, hindi dahil nasaktan ako sa sinabi niyang oa ako kundi sa tinawag niya. Nagulat din siya sa sinabi niya kaya naman tumalikod siya, hindi na ako nagsalita at bumalik kami sa loob ng canteen. Naupo lang ako sa isang tabi habang siya naman ay nakatayo lang sa harapan ko. 

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now