TWENTY ONE

101 17 0
                                    

"May nangyari ba sayo?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa room. Nakita ko na may sugat siya sa may kaliwang pisnge at sa noo niya.

"May aaminin po ako sa inyo!" Hinarangan ko ang dadaanan niya. "Pwede po kayong tumawa sa sasabihin ko."

He chuckles and breath heavy, "Mas maganda pa kung hindi mo na lang sabihin."

"Akala ko po gusto niyo ako!"

Tumahimik kami ng ilang sandali bago tumawa.

"Akala ko po binibigyan niyo ako ng motibo, kayo po pala ni Yssa!" Dire-diretso kong sabi at tinabihan siya. Nauna na akong maglakad. "Sorry po."

"No, it's okay!" Sabi nito at sinabayan akong maglakad. "Actually, noong nakaraan lang naging kami pero isang taon ko na rin siyang nililigawan."

Nanlaki ang mga mata ko nanag marinig ko 'yon. May parte sa loob ko na nasasaktan pero tanggap ko na rin naman.

"Bakit mo pala kami sinasamahan ni Manong Caloy?"

"Kaibigan ko kasi 'yung anak niya, nasa ibang lugar ang anak niya kaya nakiusap kung pwede ko bang samahan ang tatay niya." Paliwanag niya naman.

Akala ko ako ang pinupunta niya, si Mang Caloy pala.

"Bakit masama po ang tingin niyo kay Damien?" Tanong ko ulit sa kaniya.

Tumigil kami sa hagdan, hindi siya agad nagsalita at nag-iisip pa.

"Alam mo ba na magpinsan si Damien at Yssa?" Tanong niya pabalik sa akin.

Umiling lang ako dahil hindi ko alam na magkamag-anak sila, ang akala ko ay mag-ex sila o may gusto sa kaniya si Yssa.

"Hindi?" Tumawa siya. "You deserve better Catherine, hindi ako ang para sayo at alam ko na malapit lang sayo ang taong may mas gusto talaga sayo. Thank you for communicating!"

Naguluhan ako sa sinabi niya, hindi ko alam ang isasagot, hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Pero congratulations pa rin po sa inyo ni Yssa!"

Ngumiti siya sa akin at ganun din naman din ang tugon ko sa kaniya.

Naging assuming lang talaga ako sa lahat, mali pala na umasa dahil ako lang din naman ang masasaktan.

Nagulat ang lahat noong nilapag namin ni Hector ang mga pagkain, umalis lang din agad siya at lumapit naman agad sina Joyce, Rachel at Anne sa akin.

"Ano 'yon?" Tanong ni Anne at sinundan ng tingin ang dinaanan ni Hector. "Kumusta ka?"

"Ayos lang ako, ayos na." Sagot ko sa kaniya.

"Sorry hindi kami nakababa, ginamot namin si Damien tapos naghanda pa kami para sa–"

Hinarap ko si Joyce, "Ginamot?"

"Oo, tignan mo!" Tinuro naman agad ni Rachel si Damien na nakaupo sa gilid.

Nilagpasan ko sila at pinuntahan si Damiem, hindi maganda ang mood niya pero sinubukan ko pa ring kausapin siya.

"Anong nangyari?" Hahawakan ko na sana ang kaliwang mata niya nang bigla na lang siyang lumihis.

Hindi siya nagsalita, tumayo siya at nilagpasan ako.

Lumabas na lang ako para tignan ang ranking para sa second quarter. Ngayon lang din kasi nilabas para double celebration daw.

Second Quarter (Rank)
10- Quinn, Anne & Arellano, Irene- 88
8- Umali, Christine & Aguinaldo, Mary Anne, Maragsa, Luke- 89
6- Lofn, William & Ignacio, Catherine - 90
5- Sarmiento, Jack- 91
4- Gomez, Rachel & Lofn, Wilson- 92
3- Lozano, Krisha Angel- 93
2- Santos, Joyce- 94
1- Pineda, Damien Risco- 96

High Honor:
Pineda, Damien Risco

With Honor:
Gomez, Rachel
Ignacio, Catherine Zauza
Lofn, William
Lofn, Wilson
Lozano, Krisha Angel
Santos, Joyce
Sarmiento, Jack

"Congrats Catherine!" Bati sa akin ni William. Umupo siya sa harapan ko kaya umupo na rin ako sa tabi niya.

"Salamat!" Timapik ko ang kanang balikat niya. "Ikaw rin, congratulations!"

"Kailanhan eh." Bigla na lang siyang sumimangot at yumuko.

"Oh, bakit di maipinta yang pagkasimangot ng mukha mo?" tumingin ng maigi si Catherine.

"Hindi mo ba alam? Gusto ko si Joyce pero gusto din siya ng kakambal ko." Nakayuko niyang ginalaw-galaw ang mga paa.

"Para saan pala naman ang grades at ranking?" Napakunot noo ako.

"Kung sino may pinakamataas na grade sa kanya si Joyce." Sagot niya sa akin.

"Masama 'yan, kapag nalaman ni Joyce 'yan." Nangangamba kong sabi sa kaniya.

Kaibigan ko si Joyce at kung ako ang nasa posisyon niya ay magagalit ako sa kanilang dalawa dahil parang pinagpupustahan lang siya.

"Alam namin, kaya nga titigil na kami." Singit ni Wilson.

"Alam nigo namang isa lang ang pwede sa inyong dalawa." Mahinahong sabi ko sa kanilang dalawa.

"Kinausap ko na rin si Joyce tungkol dito, sa katunayan si William ang gusto niya." Nakangiting sabi ni Wilson pero halata sa mga nito ang lungkot.

"Ano ba yan! Christmas Party natin oh" Inakbayan ko silang dalawa at dinala sila sa loob.

"Ano pa lang agenda, wala si ma'am di ba?" Tanong ni Wilson.

"Oo daw eh, may sariling party ang mga teacher." Sagot ko sa kanila.

Hinanap ko si Damien at nagtama ang mga mata namin, nakatingin rin siya kaya tumingin na lang ako sa iba.

"Ano bang christmas party 'to? Naka toxido at pants?" Narinig kong reklamo no Luke.

Biniro kasi siya ni Anne na magtoxido dahil 'yon daw ang theme ng Christmas party namin.

"Hayaan mo na Luke!" Pangangasar ni Anne.

Nagdasal muna kami bago magproceed sa mga gagawin namin ngayong araw. Hindi ko napansin kanina pero may photobooth pala kami sa gilid.

"Our adviser can't go here since they have their own christmas party at principal's office." Anunsyo ni Damien. "Paper dance will br our first game, I'll let you guys choose your partner."

Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase namin at lumapit sa gusto nilang partner. Si Jack at Rachel ang naunang kumuha ng newspaper at nilatag ito sa sahig, kasunod sila Luke at Anne, si William naman kinukumbinsi pa si Joyce na maglaro.

Umupo lang ako sa gilid at tinitignan sila habang naglalaro, tinabihan ako ni Neryl.

"Catherine!" Tawag niya.

"Bakit?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Bakit hindi ka sumali?"

"Wala akong partner, wala rin akong ganang maglaro." Sagot ko sa tanong niya.

"Alam mo noon, hate na hate kita." Kwento niya kaya tinignan ko siya ng maayos. "Akala ko kasi tulad ka ng ibang mayayaman na mayabang, ganung konsepto kasi ang pinaniniwalaan ko noon."

"It's okay," Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Ngayon ba?"

"Hindi na, mabait ka naman pala." Sabi nito. "Kaya pala nagustuhan ka ni ano."

"Nino?"

"Wala!" Tumawa siya at tumayo na. "Sali tayo sa susunod na game."

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now