CHAPTER TWENTY

110 18 0
                                    

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga, nagmessage sa gc ang mga officer na eight ng umaga ang christmas party namin. Hindi na masyadong mamumugto ang mga mata ko pero halata pa rin na umiyak ako. Five pa lang ay gising na ako, sinuklay ko ang buhok ko sa harap ng salamin at ngumiti.

"Ayos lang Catherine, tanggap mo na." Sabi ko sa sarili ko at tinapik ang mga magkabilang balilat ko.

Hinanap ko ang regalo na ibibigay ko kay Damien. Hindi ko makita sa kwarto kaya naman bumaba ako, nakita ko si Nanay at mommy sa kusina kaya lumapit ako.

"Good morning po!" Bati ko sa kanilang dalawa.

Pareho naman silang nagulat dahil nandoon ako.

"Kumusta ka?" Lumapit ang mommy at hinawakan ang balikat ko. "A-Attend ka ba ngayong araw?"

Tumango ako, tinignan ko naman si Nanay. "Yung regalo po pala na tinago niyo?"

"Nasa sala, ibaba ng tv." Nginitian niya ako, "Hindi ko na binalot dahil nakakita ako ng papel, mukhang maganda kung ilagay sa loob."

Nginitian ko siya at nagpaalam na pumunta sa sala. Nakuha ko na ang regalo, maayos pa rin naman sila kahit na binato ko sa kotse noong nakaraan. Lumapit ulit ako sa kanila at sinabi ang plano ko ngayong araw.

"Nanay, ano po pala ang hinanda niyo?" Tanong ko kay Nanay na ngayon ay naghahalo ng niluluto niya.

"Spaghetti, nakagawa na ako ng puto na pwede mong dalhin." Sagot naman nito.

"Pero kung hindi mo gustong umatt–"

Pinutol ko agad ang sasabihin ni mommy, "Pupunta po ako!"

Nagtinginan silang dalawa at ngumiti.

"Sige, ako na ang maghahatid sayo." Presinta ni mommy at niyakap ako.

Umakyat agad ako para maligo. Sinulatan ko na rin ang stationary paper at binalot ang regalo na ibibigay ko. Paglabas ko ay bumaba ulit ako sa kusina para tikman ang ginawa ni Nanay. Nakangiti ako habang nginunguya ang puto, iba iba ang kulay nito pero pareho lamang ang lasa. The spaghetti is not soggy, hindi maputla at lasang pangbata, there's nostalgic feeling every bite.

"Ang sarap po!" Komento ko na ikinangiti naman ni Nanay.

Seven na at napagdesisyonan ko nang magbihis, kumuha ako sa closet ng dressy white blouse, pinartneran ko naman ito ng denim skirt, kumuha na rin ng beige crossbody bag para naman sa pinakababa ay black buckle shoes.

Pagbaba ko ay pinuri naman ako ng mga katulong namin at ni mommy.

"Iba ang glow!" Sabi ni mommy at hinalikan ang noo ko. "Tara na ba?"
"Opo!"

Nilagay na nila ang mga pagkain backseat katabi ko, sa passenger seat naman nakalagay ang regalo na ibibigay ko. Pinaandar na ni mommy ang kotse at nagpatugtog, maganda ang mga kanta sa radyo. Hindi na ako umiiyak, hindi ko rin alam pero napagod na siguro ang mga mata ko.

Pagdating namin sa school ay marami ang mga tao na nasa labas, magaganda ang suot nila at meron din silang kanya-kaniyang dala na pagkain.

"Dito na lang po ako mommy, hindi niyo na po kailangang pumasok sa loob." Sabi ko sa kaniya at ibinaba ang mga pagkain, nakabilao naman ang mga ito at nakaplastic kaya hindi ito madudimihan. "Tinext ko na po ang mga frienda ko, papunta na po sila para tulungan akong dalhin 'to sa taas."

"You sure honey, nandito naman na ako sa may gate."

"Hello Catherine!" Bati sa akin ng taong nasa likod ko. "Hello po tita, ako na lang po ang tutulong sa kaniya."

"You must be Hector?" Malalaman mo sa tono ng boses na nag-aalala siya. "Anak halika muna rito."

Lumapit naman ako sa kaniya agad, "Siya po 'yon."

"I know, I think you two should talk and clear something." Tumigil siya at tinignan ako. "Kung kaya mo anak, kaya mo ba ngayon?"

Tumango ako sa kaniya, "Kaya ko na po so don't worry!"

Ngumiti siya sa akin at pumunta na sa kotse niya, kumaway pa siya bago pumasok sa kotse at umalis.

"Tara na po, sir!" Sabi ko kay Hector at pumasok na sa gate.

"May nangya–"

Because He is My First LoveWhere stories live. Discover now