My Tour
Nakarating ako sa school nang eksaktong ten fourty six. Some students are amaze because I open the door of our car with my one hand and I find some intimidated by my presence. Noong nag-enroll ako ay sobrang gulo nang mga nangyari, maraming estudyante at ang iba sa kanila ay nanunulak o hindi naman kaya ay amoy pawis na sa pilahan at ang iba naman ay mahilig sumingit. Isa na rin siguro sa magandang dahilan ng pagkakaroon ng kaibigan dahil may nasisingitan ka sa pila gaya naming ni Bea noon sa canteen ng dati kong school.
Pagpasok ko ay may nakita akong lalaki na papalapit sa akin, matangkad ito, gwapo, makinis at balat buhangin sa puti niya. "Ms? Anong section mo?" tanong sa akin nitong lalaking nasa tabi ko na ngayon. "Gusto mo ba ng tulong?"
Nagulat ako, ang akala ko naman ay aalukin ako nang pangpakinis. "No, thank you!" Nagmamadali akong naglakad pakaliwa at mukhang naliligaw na ako. Malaki ang school ang alam ko lang ay ang room number ko. Umayat agad ako sa kaliwang building, "Room 201 A", basa ko sa nakasulat sa itaas ng classroom. Lumakad pa ako at nakita ko na ang katabing room nito ay "Room 201 B", hati pala ang room sa mga ito.
"Magandarng araw po, grade seven po ba kayo?" bungad ng isang babaeng may kulay green na lace.
"No" ngumiti ako at may naisip na ideya sa utak dahil naliligaw na nga ako, "May klase ka ba? Pwede mo ba akong samahan?
"Ayos lang po, wala pa naman po kaming teacher kaya masasamahan ko kayo." Sabi nito at tuluyan na siyang lumapit sa akin. "Ako po si Yana, grade seven po ako."
Tumango ako sa kaniya, "Catherine, grade ten."
"Eh? May klase po kayo nang ganitong oras 'di ba?" Nangangamba niyang tanong sa akin.
"Sorry to make you worry, tomorrow pa ang class ko kaya nag-pa-pa tour lang ako sayo." Pagsiguro ko naman sa kaniya at tumingin muli sa mga nakasulat sa itaas ng classroom. "Ito ba ang class room number? Bakit hati ang room dito?"
Tumingin siya sa akin, "Galing ka po bas a private school, ate? Hindi po kasi kasya ang number ng students sa iisang room kaya po hinati nila para ma-accommodate ang lahat."
"Nasaan naman ang mga faculties ng mga department dito?" lumakad na kami pareho at dahan-dahan dahil tinitignan ko ang bawat kwarto na nadadaanan namin.
"May sarili po silang building na malapit po sa building niyo."
Nang makarating kami sa gitnang hagdan ay umakyat na rin kami, mula rito ay tanaw mo ang ibang building na nakatayo sa gilid at harap nito. Pag-akyat namin ay bubungad sa kanang bahagi ang comfort room, hindi naman siya katulad nang inaaakala na madumi o mabaho, maganda ang comfort room at hindi siya madumi.
"Iisa lang ba ang comfort room niyo rito?" Tanong ko sa kaniya, walang tao sa comfort room kaya pumasok kami. Nag-retouch na rin ako, kinuha ko ang brush at powder ko kasama ang lipstick ko.
"Dalawa po sa building na ito ate, sa iba po ay tatlo o apat." Nilingon niya ako at tinignan ang kulay asul niyang relo, "Mag-ta-time na rin po pala, ihatid ko na lang po kayo sa building niyo."
Tumango ako sa kaniya at nagsimula na rin kaming bumaba sa hagdan, pagbaba ay makikita mo ang canteen na nasa gilid ang din at printing shop. Dumaan kami rito, maraming building ang nandito, maya-maya pa ay may natanaw akong kakaibang building at kung titignan ay mas malaki kaysa sa mga building na nadaanan namin.
"Ito na ba ang building naming?" Tanong ko sa kaniya habang nalula sa laki ng building na kaharap ko.
"Opo, grade ten po at pang-umaga po kayo!" Nginitian niya ako at dahan-dahan din siyang naglakad pabalik. "Ingat po kayo at good luck, sana magkita po tayo sa susunod."
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Ficção AdolescenteMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...