"Ako na lang ang bibili!" Presinta ko sa lahat.
"Iiwan mo kami rito?" Tanong naman ni Joyce at nagpuppy eyes.
"Ako na nga ang bibili." Tumayo si Damien at kinuha ang pera. "Ano ba mga kailangan natin?"
"Colored paper at dalawang cartolina, ikaw na bahala para mapagkasya 'yan." Sagot naman no Rachel sa kaniya.
Tumalikod siya agad at dumiretso na palabas.
"Alam niya ba talaga?" Tanong ni Joyce sa akin. "Baka maligaw siya?"
"Mukhang alam niya naman." Sabi naman ni Jack.
Hinayaan na lang namin si Damien na bumili, nagkwentuhan kami sa pwede naming gawin sa visual aids.
Sampong minuto na ang lumipas pero wala pa rin si Damien kaya nag-alala na kami na baka nga naligaw siya.
"Naligaw na ata talaga si Damien." Natatawang sabi ni Jack. "Saan ba banda ang Rose Street?"
"Dalawang liko pa bago makarating doon." Sabi ko naman at tumayo sa kinauupuan ko. "Tignan ko muna siya sa gate."
"Mabuti pa nga, sama na ako!" Tumayo rin si Joyce.
"Ako na lang, tulungan mo na lang muna sila mag-isip pa ng idedesign." Lumakad na ako palabas.
Tumingin ako sa kaliwa at kanan pero wala siya, pwede kasi sa magkabilaan siya since pareho lang naman na papunta iyon sa Rose Street.
Sumandal ako sa gate at maya-maya lang ay natanaw ko na si Damien na may hawak na plastic kung saan nandoon ang mga gamit na pinamili niya at sa kabilang kamay niya naman ay may hawak siyang isang bulaklak. Sa kaliwa siya dumaan at panigurado ako na sa garden ni ate Lally niya ito nakuha, nakangiti pa itong naglalakad at nang makita ko ay itinago agad sa likod niya ang bulaklak.
"Alam mo talaga 'no?" Tanong ko sa kaniya at sinalubong siya. "Ako na magdadala nito!"
Binitawan niya naman agad ang plastic kaya binitbit ko na, hindi niya tinanggal ang kamay niyang may hawak na bulaklak sa likod niya.
"Dumaan ako doon sa garden." Panimula nito at pinakita na ang bulaklak na hawak niya, kulay pulang rosas. "Binigyan niya ako ng bulaklal, hindi ko na tinanggihan kasi ang ganda."
"Wow!" Namamangha kong sabi habang tinititigan ang bulaklak na dala niya.
Sabay kaming naglakad papasok at sinalubong naman kami ng iba.
"Pasensya na!" Mahinang sabi nito sa iba pa naming mga kaklase dahil natagalan siya.
Nagsimula na sina Christine at Joyce gumawa ng visual aids, sina Jack at Rachel naman sa question at mga pwedeng palaro at kami naman ni Damien ay hinati na ang i-re-report.
"Gumawa ka na kasi ng question!" Asar na sigaw ni Rachel kay Jack.
"Ayoko nga! Pwede naman manaya eh." Angal naman ni Jack at inakbayan si Rachel.
"Kapag pasahan ng ambag, hindi ka namin ililista ni Damien." Irita niyang tinanggal ang kamay ni Jack, hinampas niya ito kaya naman todo ilag ang isa.
"Bakit ba ang sungit ngayon ng girlfriend ko?"
Nanlaki ang mata ko nang sabihin 'yon ni Jack. Napansin naman ito ni Rachel at Joyce kaya tumawa sila.
"Oo, mag-girlfriend at boyfriend ang dalawang 'yan." Sabi ni Joyce at kinindatan ako.
"Alam ba ng parents niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Yes, they know!" Proud na sagot ni Rachel sa akin. "Support naman nila kaso we need to know our priorities din, alam dapat namin ang tama at mali."
"Huwag din padalos-dalos!" Dagdag pa ni Jack.
Hindi ko agad napansin na magkasintahan ang dalawa, ang cute lang dahil magkaklase pa talaga sila. Mabiro si Jack pero kung usapang respeto naman sa space ni Rachel ay maasahan siya, hindi ko nga sila nakikita na magkasama lalo na kung oras ng klase.
"Tama na, paano naman kaming bitter?" Singit ni Christine, tumawa kaming lahat maliban kay Damien.
Maya-maya pa ay bumaba si daddy, hindi ako lumapit sa kaniya dahil nakita kong papunta siya sa amin. Lahat naman kami ay tumayo, naunang bumati si Damien at sumunod agad ang iba.
"Naghanda ako ng foods guys, if you need something don't hesitate to call Manang and other people na nasa loob." Cool na sabi ng daddy at nilapitan ako. "Mauna na ako Catherine!"
Humalik ako sa pisnge ng daddy, "Ingat po kayo!"
"Mauna na ako, enjoy guys!" Kumaway si daddy sa kanila at tinignan sila isa-isa, natigil siya nang mahagip ng mata niya si Damien. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.
Hindi naman natinag si Damien, ngumit ito kay daddy at yumuko. "Ingat po kayo!"
Lumakad na si daddy palabas, narinig namin na nagpaandar na siya ng kotse. Bumalik kaming lahat sa ginagawa namin.
Makalipas ang tatlong pung minuto ay napag-isipan naming magbreak muna. Nilabas nila Nanay at ng iba pa naming mga katulong ang mga pagkain at nilagay ito sa kabilang lamesa. Doon ako umupo at tinawag sila para kumain, hindi lang pala pizza at lasagna ang makahanda, meron ding donuts at mga chips.
"Dito na lang ako lagi!" Sigaw ni Christine at kumuha ng isang slice ng pizza, katapat ko siya rito sa table.
Kumuha si Jack at Rachel ng upuan mula sa kabilang lamesa at nilagay sa magkabilaang side ng lamesa namin. Nag-share na sila sa iisang plato, ako naman ang kinuha ko ay mga chips lang. Si Joyce kumuha ng dalawang plato at nilagyan ng donut at pizza, binigay niya ito kay Damien na nasa kabilang table.
"Huwag titigan, baka matunaw." Pangangantyaw sa akin ni Rachel.
Umiling-iling lang ako.
Tinanggap ni Damien ang plato at kumain silang dalawa sa kabilang table, nakita ko rin na may ipinakita siya na nasa loob ng bag niya.
"Bakit hindi mo kasi lapitan?" Tanong ni Jack sa akin.
"Sino?" Clueless na tanong ni Christine.
"Kumain na lang tayo!" Pag-iiba ko ng topic.
Lumapit sa kanila si Nanay at wala pang tatlong minuto ay bigla naman silang nagtawanan. Tinignan ako ni Nanay, ngumiti siya sa akin at umalis.
Pagkatapos kumain ay tinuloy na ulit namin ang mga gawain. Hindi rin nagtagal ay natapos na kami, nagpresinta sina Rachel at Joyce na magwalis, sila Christine at Jack naman ang nagligpit at kami ni Damien ang nag-ayos ng mga upuan.
Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng bahay, sinamahan ko sila hanggang sa gate ng subdivision.
"Galingan niyo bukas ah!" Sigaw ni Jack habang palabas ng gate ng subdivision.
"Gagalingan namin, 'di ba Damien?" Hinarap ko si Damien na mukhang gulat na gulat.
"O-Oo basta magreview lang tayo!" Sagot nito.
Lumabas na rin sila Rachel at Christine, sumunod si Joyce.
"Kupong-kupong, iniwan ko pala kay Nanay 'yung t-shirt na pinahiram niyo sa akin ng mommy mo." Ngumiti siya at lumabas ng gate. "Pasensya na at natagalan, nilabhan ko siya ng maayos!"
"Good luck sa atin!" Sigaw ni Joyce.
Ngumiti lang ako at kumaway sa kanila.
YOU ARE READING
Because He is My First Love
Fiksi RemajaMeet Catherine Zauza M. Ignacio, a high school girl. Paano siya mag a-adjust sa mundo ng Public School gayong nakasanayan niya na ang Private School. Meet also, Mr. Damien Risco Pineda, a poor but smart boy that will help Catherine to survive her Gr...