Chapter 30: The Vacation Plan

12.7K 454 170
                                        

CHAPTER 30: THE VACATION PLAN


SOUNDTRACK: Castle by Halsey

Check the Dark Fairytale Playlist through the link in my profile. Thank you! - Siel Alstreim


"Yes. The Devereaux has some properties in Eremitia," pagkumpirma ni Atty. Verja nang tanungin ko siya tungkol sa sinabi ni Uncle William. "And before deciding to go there, I suggest you talk to Detective Penber first," dagdag pa niya.

I had no plans on taking Uncle William's offer. I would not give up my place in the Devereaux Corporation. Kahit bunutin pa ako nito sa puwesto ko ay kakapit at kakapit pa rin ang aking mga ugat sa lupang para rito. It wasn't greed if I only wanted to take what's mine.

Subalit simula nang mag-usap kami sa parking lot ng Elford High ay hindi na naalis sa isip ko ang Eremitia. Naaalala kong nabanggit na ito ni Detective Penber dati. Dito niya nakita ang ilang dokumento tungkol sa aking mga magulang. Pinaghihinalaan din niya na sa Eremitia nagmula ang mga taong pumatay sa mga ito. Kaya naman hindi maaaring isawalang-bahala ko nalang ang pagkakaroon ng koneksiyon ng Devereaux Corporation sa Eremitia.

"Do you think my father knew those properties when he was still alive?" tanong ko.

Atty. Verja took a sip of her coffee. Despite of her busy schedule for the day, she went straight to Casa Eleonor after her meetings when I called her. She took a second to appreciate the coffee Lev made for her. It seemed that Lev's ability in the kitchen was not limited to cooking food.

"Harry and Eleonor Devereaux actually owned a hostel in Eremitia. After their death, the Devereaux Foundation took the full management of it. Bukod doon ay may iba pang hotels na pinangangasiwaan ng Devereaux Corporation and they are all earning well dahil sa mga turistang nagtutungo sa Eremitia," paliwanag ng abogado.

"So that one hostel is rightfully mine?" paniniyak ko. Wala akong intensyon na kunin ang iba pang hotels na naroon dahil hindi naman ako pumapayag sa gustong mangyari ni Uncle William. Ang tanging mahalaga sa akin ay ang isang iyon na pag-aari ng aking mga magulang.

Atty. Verja eyed me skeptically. "Yes, Miss Devereaux. I can prepare the necessary documents should you decide to go and stay in Eremitia."

"Oh, I think you got me wrong. I have no intention of giving up everything I have here to Uncle William. Hindi ko iiwan ang Casa Eleonor," paniniguro ko. Alam kong iniisip niya ang mga bagay na mawawala sa akin sa sandaling pumayag ako na magtungo sa Eremitia. Tila naman nakahinga siya nang maluwag sa aking sinabi.

"But I am curious about Eremitia. Do you think it's possible for me to visit the hostel my parents owned?"

Napigil ang pagsagot ni Atty. Verja sa maingay na pagbagsak ng stainless na sisidlan sa counter. Sabay kaming napalingon kay Lev na tahimik na nakikinig sa amin.

"Don't go to Eremitia," malakas na pahayag ni Lev.

Tiim-bagang at madilim ang ekspresyong nakatingin ito sa amin. Hindi ko maintindihan ang disgusto nito sa pagbisita ko sa Eremitia. Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.

"You know that it's not for you to decide, Lev," mahinahon kong sagot. Malinaw na hindi niya ako mapipigilan sa sandaling magdesisyon ako na magtungo sa lugar na iyon.

Base sa pag-aalala at galit na bumalong sa kaniyang mga mata ay alam kong may iba pa siyang nais sabihin. Maaaring bagay na maaaring makapagpadalawang-isip sa akin. Subalit sa huli ay hindi na lang siya nagsalita.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon