CHAPTER 29: THE LOOMING STORM
Something had changed. And even though no one wanted to say anything about it, I still could feel it. It was like having a ghost amidst us – we couldn't see it but it was bound to haunt us.
Tulad sa isang panaginip ay wala na si Declan sa aking paggising. Malamig ang hangin na pumapasok sa bahagyang nakabukas na bintana subalit ang makapal na kumot sa aking katawan ay nakatulong upang maging kumportable ang aking pagtulog. Bagama't mabigat ang pakiramdam ay sinikap kong bumangon at bumaba sa kusina. Kailangan kong makapasok ngayon sa aking klase. Hindi mabuti sa record ko ang pag-absent ko kahapon lalo na kung agad iyong masusundan.
Pagbaba ng hagdan ay agad na sumalubong sa akin ang amoy ng nilulutong pagkain. Nagmamadali akong nagtungo sa kusina at nadatnan doon si Lev na nagluluto habang tahimik na sinasabayan ang kantang tumutugtog sa kaniyang cellphone.
"Good morning," bati ko sa kaniya.
Agad siyang lumingon at ngumiti sa akin. I didn't know that his presence would be this warm in the morning. After what happened last night, I didn't really want to be alone.
"Good morning, princess. Maupo ka na and I'll serve now our breakfast."
Nagtataka man ay sinunod ko siya at naupo sa mesa. He looked so cheerful. Maybe, he was a morning person or he just loved making his food.
"I prepared bacon and eggs. I put some milk on your scrambled eggs. You'll love it," aniya habang inihahain ang mga pagkain.
Hindi ko pa rin maintindihan ang kaniyang obsesyon sa paglalagay ng maraming gatas sa kape at ngayon naman ay sa pagkain. Subalit inihanda niya ito para sa akin kaya't hindi ako nagdalawang-isip na tikman ang niluto niya.
Ang kaunting agam-agam ay tuluyang naglaho sa aking mukha. It was surprisingly good. The scrambled egg was soft and creamy. And the bacon was not dry or too crispy. It was a delicious breakfast. Kaya naman ay hindi ko maintindihan kung bakit tila nag-iinit ang aking mga mata habang kumakain. Maybe, he also put onions?
"Hey, are you okay?" untag sa akin ni Lev. Nag-aalala nitong iniabot sa akin ang isang baso ng tubig.
Tumango ako. "Ang sarap lang kasi talaga ng niluto mo. Hindi ito luto ng kasambahay. At hindi rin ako nakakaramdam ng pagmamadali sa pag-aalmusal."
Napailing siya sa aking tinuran. He probably couldn't understand me subalit napakalayo ng umagahang ito sa normal na dinaratnan ko sa mansiyon.
"I will not wear a maid uniform kung iyan ang iniisip mo," anito.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa imahinasyong dulot ng ideyang iyon ni Lev. Tuluyan na nitong napigil ang nagbabadya kong pagluha. No, we definitely had different kind of breakfast in mind.
"I'll buy aprons then," biro ko.
"Make sure that they're blue. That's our favorite color," pagsang-ayon ni Lev.
Saglit akong natahimik at napatitig sa kaniya. Muli ay nag-aalalang bumaling ito sa akin. "What now?"
"Pink. I like pink."
It was more of a realization; remembrance of a distant memory. I always wanted to have pink stuff. My mother used to decorate my childhood bedroom with pink covers and curtains. Those were the days when I was still a young girl. Ngunit simula nang mawala ang aking mga magulang ay nawalan na rin ng puwang ang aking mga paborito. I had to settle with what's available for me. I had to make things work and survive without the unnecessary cute things my classmates were raving about. At ngayon nga ay nakakapanibagong may choice na akong pumili ng mga gusto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/99279281-288-k995166.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)
Genç KurguEmily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in the same fire but a mysterious boy saved her before suddenly disappearing in the darkness of the nigh...