Chapter 6: Thief of Darkness
Soundtrack: The War - SYML
Tahimik subalit kinakabahan akong pumasok sa aking History class. Bumungad sa akin ang aking mga kaklase na maingay na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Tila isa akong hangin na dumaan at hindi dapat pansinin. But I preferred it this way–trouble happens whenever they pay attention on me.
Agad akong tumingin sa upuan sa dulong bahagi ng silid at nakita ang taong hinahanap ko. Ilang mga kaklase kong babae ang nakapaligid sa kanya at magiliw siyang tinatanong ng ilang mga bagay – ang isa sa kanila ay naka-upo sa aking madalas na inuupuan. Bahagyang ngumiti si Declan sa kanila at nang mag-angat ito ng tingin ay nagtama ang aming mga mata.
Bagama't nakaramdam ng panlalamig at mas matinding kaba ay pinili kong maglakad sa kanilang direksyon. Nanatiling nakatingin sa akin si Declan kung kaya't lumingon na rin sa akin ang mga babaeng katabi niya nang tumigil ako sa harap niya.
"I think that's my seat," lakas-loob kong sabi sa babaeng naka-upo sa aking inuupuan.
Tinaasan niya ako ng kilay at saka sumandal sa upuan, "There are lots of vacant seats in the classroom. You can't make me leave."
Muli sana akong magsasalita subalit pinili ko na lang na manahimik. Tumingin ako kay Declan at saka inisip ang mga nais kong itanong at sabihin sa kaniya, bago nagtungo sa kabilang dulo ng silid kung saan ang buong linya ng mga upuan ay bakante. Ilang saglit pa ay narinig na namin ang pamilyar na tunog ng takong at paglalakad ni Miss Veron kung kaya't ang lahat ay nagtungo sa kanilang mga upuan. Malakas na bumukas ang pinto at saka pumasok ang guro.
"I can hear your noisy mouth expressing how you have empty brains ten classrooms away from here. Don't you think of how loud and shameless you are?" She started as she slammed her book and notebook on the desk.
Hindi ko mapigilang hindi mapakislot sa kanyang boses at pagsasalita. Kahit ang mga kaklase ko ay tila nagpipigil ng hininga hanggang sa matapos si Miss Veron sa kanyang sinasabi. Ang ilan ay yumuko na lang na tila ayaw nilang magtama ang kanilang paningin ng guro.
Inilibot ng guro ang kanyang tingin sa buong klase at nang makita niya si Declan sa kabilang dulo ay agad siyang tumingin sa aking direksyon. Akma na akong yuyuko subalit mabilis ang naging pagtama ng kanyang mga mata sa akin at tila wala na akong kayang gawin kung hindi ang salubungin ang kanyang mga tingin. Tumaas ang isang gilid ng kanyang mga labi para sa isang mapang-insultong ngiti at saka muling ibinalik ang tingin sa buong klase. Saka ko lang pinakawalan ang pinipigil kong paghinga.
"It seems that this school is attracting more unwelcome outsiders from the ugly society. You have a new classmate." She snapped at the door as a man walked in.
The man I saw at the back of the school greeted us with his warm smile. His eyes immediately searched Declan, and when he found him, he turned directly on me. I felt that something really weird was happening in this class.
"I am Lev and I am curious about what my cousin Declan is studying. So I'm going to be your classmate and let's all study hard to achieve our goals and have a bright future ahead–"
BINABASA MO ANG
Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)
Teen FictionEmily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in the same fire but a mysterious boy saved her before suddenly disappearing in the darkness of the nigh...
