CHAPTER 44: THE SHADOW OF A FRENIERE
"He can't disappear," mabuway ang tinig kong sabi. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nauupos. "His family is here. Even though Algernon Freniere is in a mafia, I saw in his eyes last night that he cares for Veronika's son. He can't just let go of this chance to have a real family. He can't give this up."
Walang nagsalita sa mga kasama ko sa silid. Muli ay sinikap kong bumangon ngunit agad din akong napigilan ni Miss Veron. "It's his decision if he's going to leave things behind. It must be too much for him; too overwhelmed that he needed to step away from it," anito na may bakas ng lungkot sa tinig.
"Sa ngayon ay mas makabubuti kung ang sariling kundisyon mo muna ang 'yong alalahanin," suhestiyon naman ni Detective Penber.
I was at the point of becoming hysterical; if only I had enough strength. Pinilit kong ikalma ang aking sarili at hindi ipakita ang halu-halong emosyon na gumugulo sa aking dibdib. They were worried of me so I didn't know how to tell them that they didn't have to think about me anymore. I was ready to go the moment I learned that Declan had a shot for a real family. Ngunit paano ako mawawala nang tahimik kung tatalikuran ni Declan ang bagay na ito?
Hindi na rumehistro sa akin ang mga sumunod na konbersasyon. Tanging ang pag-aalala sa kinaroroonan at kalagayan ni Declan ang nasa isip ko. Nang may magdala ng mainit na breakfast ay pinilit nila akong kainin ito. They said it would help me. I took it knowing that nothing could save me.
Ilang sandali ang lumipas nang marinig namin ang pagkatok sa pinto ng silid. Saglit na nagkatinginan ang aking mga kasama; marahil ay nagtataka kung sino pa sa mga miyembro ng Freniere Mafia ang nais kaming makita. Lumapit si Detective Penber at binuksan ito. Tumambad sa pinto ang nakatayong si Algernon Freniere na kasama pa rin ang kaibigan nitong si Maximus Brown.
Awtomatikong napatayo si Miss Veron at hinarap ang mga ito. Mabalasik ang tingin na ipinukol niya sa dalawa na tila ba wala kami sa teritoryo ng mga ito.
"You!" Dinuro nito si Algernon Freniere. "Why are you here? Why can't you just stay away from us?"
Walang emosyon ang mga matang sinulyapan ito ng matandang Freniere bago humakbang papasok ng silid. Well, it wasn't like Detective Penber could stop him from coming in.
"Ang mansiyong ito ay pag-aari na ng Freniere Mafia. Walang makapipigil sa akin na magtungo sa kahit saang parte nito. Bukod pa roon ay hindi ikaw ang nais kong makausap sa pagkakataong ito," sagot nito at natuon ang tingin sa akin.
Naniningkit ang mga matang pilit akong ikinubli ni Miss Veron mula sa mga ito. "You have no business with her," mariin niyang pagtutol. Subalit nang maramdaman niya ang pag-abot ng aking kamay sa kaniyang braso ay bahagyang nagbago ang kaniyang ekspresyon.
Sandaling nakipagsukatan ng tingin si Miss Veron bago ito nagpakawala ng isang marahas na paghinga.
"Think of Eleonor when you talk with this girl. You know that both Alexandria and Veronika cared for her," wika nito sa nagngangalit na ngipin bago lumabas ng silid. Mabilis naman na naintindihan ng mga naroon ang sitwasyon kaya't tahimik ang mga itong sumunod kay Miss Veron.
Nabalot ng katahimikan ang silid nang tanging kaming dalawa na lang ni Algernon Freniere ang naiwan. Isang pagtikhim ang kaniyang ginawa bago nagtungo sa bintana at niluwangan ang pagkakabukas nito. Mula sa labas ay pumasok ang malamig at preskong hanging umaga. Mas lumakas din ang tunog ng paghampas ng alon na nagmumula sa ilalim ng talampas.
"Ah, Eremitia! Kay tagal kong inasam na mapasaakin ang lugar na ito. Subalit pinili kong maghintay. Napakatagal kong naghintay..." pahayag nito sa tinig na tila may sinisilip sa kaniyang kahapon.
BINABASA MO ANG
Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)
Ficção AdolescenteEmily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in the same fire but a mysterious boy saved her before suddenly disappearing in the darkness of the nigh...