Chapter 42: The Hourglass

13.9K 430 713
                                        

CHAPTER 42: THE HOURGLASS


Another dangerous stranger. Another one who knew my mother. And this gentleman, despite of his welcoming smile and charm, seemed to be more dangerous than the others.

Nanatiling nakatayo si Miss Veron sa kaniyang kinatatayuan. Tila naestatwa ito habang namumutlang nakatitig sa mga bagong dating. Sinipat ko kung may dala silang armas at pinilit basahin kung may intensiyon ba ang mga ito na saktan kami. Subalit lumipas na ang ilang minuto ay wala pa rin silang ginagawa kaya't naisip ko na kung may balak silang umatake ay dapat ginawa na nila ito kanina pa. Isa pa, hindi tulad ng nasa simbahan ay tanging silang dalawa lang ang naroon at wala nang iba pang kasama. Miss Veron could handle them if they ever did something bad, right?

Mukhang natatakot pa rin si Morticia subalit bahagya nang nabawasan ang panginginig nito habang yakap ng aking mga braso. Marahil ay naging kumportable siya kahit paano habang hawak ko.

"I'm sorry but Eleonor is my mother. I'm Emily Devereaux," pagpapakilala ko. I didn't know why Miss Veron and Morticia had such reaction but I decided to be polite towards the visitors. After all, they didn't do me any harm. And they seemed to know my mother.

Mas lumawak ang pagkakangiti ng estranghero at inilahat ang kaniyang kamay. "Ikinagagalak namin na makilala ka, binibini. Ako si Algernon Freniere habang ang aking kasama nama'y ang aking kaibigan na si Maximus Brown."

Nabigla man sa kaniyang pagpapakilala ay inabot ko pa rin iyon at nakipagkamay. They weren't violent. They were well-mannered gentleman unlike the strangers I'd met who instantly threatened me the moment we talked. Subalit pagkahawak namin ng kamay ay kumilos si Miss Veron at hinila ako palayo kay Algernon Freniere. Nagtataka ko siyang nilingon habang tila balewala naman na bumaling sa kaniya ang nakangiti pa rin na bisita.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Olga. Hanggang ngayon ay kinamumuhian mo pa rin ako," wika ni Algernon Freniere.

Marahas na humarap sa kaniya si Miss Veron. Tila gustong lumabas ng apoy sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa bisita. "My hatred towards you will never change, Algernon Freniere!" she snapped.

Tumangu-tango si Algernon. "Kung ganoon ay bakit pinili mong manahimik at lumayo sa digmaan? Hindi ba't iyon ang pagkakataon mo upang makaganti sa akin?" hamon nito.

"I don't need to explain my decisions to you!"

"O marahil, nalalaman mo na hindi iyon ang nais na mangyari ni Veronika..."

Sa pagkakataong iyon ay inilabas ni Miss Veron mula sa kaniyang likod ang tangan na patalim at iniamba kay Algernon Freniere. Subalit napakabilis ng ginawang pagkilos ni Maximus Brown. Sa isang iglap ay nasa harap na agad ito at halos hinawi lang si Miss Veron at ang kaniyang patalim. Dumausdos ang katawan na bumagsak si Miss Veron sa sahig. Si Morticia naman ay mabilis na kumawala mula sa akin at tumakbo sa isa sa mga silid. Pakiramdam ko'y tanging ako na lang ang natitira upang humarap sa mga ito. At sa puntong iyon ay naguumpisa nang manginig ang mga tuhod ko. Natatakot ako. Tuluyan nang nawala ang maskara ng mga halimaw sa harap ko. At gustuhin ko man na tumakbo tulad ni Morticia ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang iwan si Miss Veron.

Nang akmang hahakbang sila papasok ay agad kong iniharang ang aking mga kamay. Napapikit ako sa pag-aakalang matutulad din ako sa sinapit ni Miss Veron. Subalit lumipas ang ilang sandali at nanatiling tahimik ang paligid at walang humahawak sa akin. Sa pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko ang dalawang panauhin na tila amused na pinanunood ako.

"H-Hindi kayo maaaring pumasok," nauutal at nanginginig ang tinig kong pigil sa kanila.

Ang akala ko'y babalewalain nila ang sinabi kong iyon subalit sa halip ay nanatili sila sa may pinto at hindi nagpatuloy sa paghakbang. Nang tila ay hindi nila susuwayin ang aking sinabi ay agad kong nilapitan si Miss Veron at tinulungan na makatayo. Mukhang malakas ang kaniyang pagkakabagsak dahil iniinda niya ang kaniyang kaliwang braso.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon