Chapter 8: A Message from Death

63.3K 2.5K 531
                                    


Chapter 8: A Message from Death



"It's the responsibility of Elford High to look after its students during class hours."


Nagising ako sa mga malalakas at nagtatalong boses sa paligid. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame ng school clinic. Sa una ay nagtataka ako kung bakit ako naroroon subalit makalipas lang ang ilang sandali ay agad kong naalala ang mga nangyari kasabay ng pagbuhos ng takot sa aking dibdib. Napabalikwas ako at nanginginig ang katawang napaupo sa kama.


"Emily! How are you feeling?" tanong ni Jareth na agad napatayo sa kinauupuan. Hindi ko napansin na kasama ko siya sa sandaling iyon. Agad na humawi ang kurtinang naghihiwalay sa amin at sa mga nagtatalo sa likod nito kung saan nakita ko si Uncle William at ang principal ng Elford High na nakatayo at nakatingin sa aking direksyon. Agad na lumapit sa akin ang school doctor na may dalang isang basong tubig. Tila uhaw na uhaw na ininom ko iyon.


"Are you feeling pain in any parts of your body?" tanong ng doctor.


Subalit ang aking isinagot ay, "The guard... he's dead."


Nakita kong nagpalitan ng tingin sina Uncle William at Principal Vasquez. They looked serious and possibly stressed about the situation.


"We already called the police, Miss Devereaux. It would be best if you go home for this day and rest. You must be traumatized because of what you've seen," wika ng Principal.


"Declan –"


"Sinubukan ka niyang tulungan dahil nakita ka niyang walang malay. Subalit mukhang hindi ka niya kayang buhatin kung kaya't noong nakita ko kayong dalawa, agad kitang kinuha sa kanya. Nakita ko rin ang nangyari sa guard kaya naman ako na lang ang nagreport sa faculty at kay Principal Vasquez," wika ni Jareth.


"But Declan –"


"Please stop talking about him. I'm your fiancé, Emily. Gusto mo ba talagang malaman ng lahat ng tao na nag-cut ka ng classes kasama ng ibang lalaki?" iritableng wika ni Jareth.


"Is that what you're doing in Elford High, Emily? Cutting classes and going out with some boy who is definitely a bad influence to you?!" galit na tanong ni Uncle William. I knew this would lead to this the moment Jareth mentioned my cutting classes.


"I'm sorry, Uncle William," ang tangi kong nasabi. Hindi ko gustong mas galitin pa siya at madaliin ang desisyon niyang ilipat ako sa ibang school.


"We're still going to deal with her cutting classes since she's one of the students who are under our scholarship. But for now, it would be best for her to go home and rest," wika ng principal.


Hindi ko maiwasang kabahan at malungkot dahil sa aking narinig. Masyadong istrikto ang Elford High pagdating sa mga estudyante nila. Hindi rin ganoon kadali ang makapasok sa kanilang scholarship. Paano kung mapagdesisyunan nilang tanggalin na lang ako sa scholarship?

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon