Chapter 14: Weekend Road Trip

104K 3.1K 2.2K
                                    


Chapter 14: Weekend Road Trip

Soundtrack: I Like Me Better - Lauv



No one came. Tila naghihintay na sumulyap sa akin si Detective Penber atsaka ibinalik ang tingin sa nakabukas na pinto ng silid-aklatan. Ilang minuto kaming tahimik na nag-aabang sa taong tinutukoy ng babaeng may pulang buhok na paparating subalit ilang mambabasa na ang lumabas ng silid ay wala pa ring panibagong tao ang pumapasok.


"Oh! I forgot that the little girl can also be good with lies. She's probably just making a fool of us," sa wakas ay wika ni Detective Penber.


"Who is she?" tanong ko.


Tila hindi naging kumportable si Detective Penber sa aking katanungan dahil muli siyang uminom ng alak mula sa kanyang flask at saka itinago ito sa loob ng kanyang coat. Tumingin muna siya sa paligid at sa pinto ng library bago tumingin sa akin.


"If you see her again, go to the opposite direction. It will be best if you don't know anything about her. And if it's possible, don't even breathe the air she's breathing," sagot niya.


Kunot-noo ko siyang tinignan. She's just a small girl with red hair. Why did he seem to regard her like she was a dangerous criminal or something? He talked about her like she could only bring harm to me.


"She's weird but she's just a girl. You can't judge her by the way she talks or looks at you," wika ko. Maaaring may pinagdadaanan lang siya kaya naman ganoon siya kung kumilos at sa parteng iyon ay naiintindihan ko siya.


"Or you can just trust me and do as I say. If you don't know yet, people are scary. They can do inhuman things and kill their own. They can burn a home and wreck a damn family."


Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko tungkol sa mga issues na pinagdadaanan ng mga teenagers dahil sa kanyang mga sinabi. Awang ang bibig na napatingin lang ako sa kanya at hindi makapagsalita.


"I apologize for the rudeness, Miss Devereaux. There are doors you shouldn't open because of the monsters behind them and right now, I'm trying to pull you away from a door that has a death sign on it," he said.


Huminga ako nang malalim at inayos ang aking pagkakaupo. Seryoso ko siyang tiningnan habang sinasara ang libro sa aking harap.


"Why are you here?" tanong ko.


Muling namutawi ang mapanlinlang na ngiti sa kanyang mga labi at saka humalukipkip at sumandal sa upuan. He finally looked business – a dirty business. And again I asked myself, should I really trust him?


"It's still about the Harry and Eleonor murder case. But this time, I want to ask you questions about William Devereaux."


Hindi ko alam subalit biglang bumilis ang pagtahip sa aking dibdib nang banggitin niya ang pangalan ni Uncle William lalo pa at pag-uusapan namin siya sa labas ng mansyon. Marahil dahil iyon sa takot ko sa kanya o dahil sa hindi ko inaasahan ang pagtatanong ni Detective Penber lalo pa at ang mga bagay na ito ay konektado sa kaso ng mga magulang ko.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon