Chapter 41: A Hand From The Grave

12.7K 430 281
                                        

CHAPTER 41: A HAND FROM THE GRAVE


Forest's body was missing. She wasn't in the coffin; lying peacefully and serene. If this was a part of a joke then it was a cruel one. They played it without considering the feelings of the people who cared for her. And worse, the Freniere Mafia was looking at us as if we were the ones behind it.

"Where is Forest?" Van Freniere growled.

Mas naging mabigat ang tensyon. Kahit sina Miss Veron at Lev ay napahakbang paatras. There were only three of us and we were surrounded. Bukod pa roon ay mukhang hindi kakailanganin ni Van Freniere ang mga taong kasama niya. He could probably take us out by himself without needing any help.

"W-We don't know where... where she is," nauutal at nanginginig ang tinig kong wika.

Sa tingin ko kasi ay mukhang walang balak na magpaliwanag ang dalawa kong kasama. It was probably their pride; they would rather fight than prove their innocence. Hindi ko alam kung gaano kalalim ang hidwaan ng mga Novou at Freniere. But I knew that we would surely die if we don't do anything about this misunderstanding.

"You can never trust a Novou. It must be one of their sick games," wika naman ng isa pa nilang kasama. Hindi siya kabilang sa grupo na nakatagpo namin sa Eremitia. Subalit sigurado ako na tulad ng iba ay mapanganib din ang isang ito.

Itinaas ng matandang lalaki ang kaniyang isang kamay na tila ba pinahihinto nito sina Van Freniere at ang kasama nito sa mga maaari nitong hakbang. "Pagmasdan mo siyang mabuti, Wolf. Hindi siya isang Novou," mahinahon nitong wika.

Subalit mukhang hindi iyon sapat sa lalaking nagngangalang Wolf. "But the other two are definitely Novous," saad nito.

Nanlalaki ang mga matang napabaling ako kay Miss Veron. I already knew that Lev was a Novou subalit hindi ko iyon inaasahan kay Miss Veron. I thought she was just a strict high school teacher who can commit murder. But then, why would she let Declan and Lev in her home if she wasn't one of them? Ugh, bakit ngayon ko lang iyon naisip? And what did it seem she didn't like Elle Novou?

"They're with me! They're worried about me so they came with me!" muli kong sabi. Hindi yata kakayanin ng konsensiya ko kung mapahamak sila dahil sa akin.

Muli ay napuno ng katahimikan at tensyon ang paligid. Tila ba ang bawat segundo ay nagbabanta ng kapahamakan sa amin. Ngunit bago pa makagawa ng desisyon ang Freniere Mafia ay nauna nang sumuko ang aking katawan. Nag-umpisa akong manghina at maghabol ng hininga kaya't sumandal ako sa mahabang upuan. It was Miss Veron who gave up her stance and joined me in the pews. Agad niyang sinipat ang aking pulso at ilalim ng aking mga mata.

"What's wrong with her?" narinig kong tanong ni Van Freniere.

"Stay back!" sa wakas ay wika ni Lev. Mukhang pinipigil niya ito sa paglapit sa amin.

I moaned in pain as I held on to Miss Veron. Hindi man niya sabihin ay alam kong nag-aalala siya base sa paghagod ng kaniyang kamay sa aking likod. Nang medyo naibsan ang sakit ay maingat niya akong inihiga sa mahabang bangko. Pagkatapos ay tumayo ito at hinarap si Van Freniere.

"Emily received a funeral invitation this morning. At totoong naging malapit siya kahit paano sa reaper na iyan kaya't ginusto niyang magtungo rito," pormal nitong pahayag; ni hindi kababakasan ng takot ang tinig.

"At ikaw, bakit mo siya sinamahan dito?" tanong naman ng matandang lalaki.

Huminga ng malalim si Miss Veron na tila ba hindi nito nais banggitin ang susunod na sasabihin. Muli nito akong tinapunan ng tingin bago bumaling sa estranghero.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon