Chapter 22: The Assassin Squad

25.1K 1K 821
                                        

CHAPTER 22: THE ASSASSIN SQUAD



I stared at the dead eyes of the lifeless body lying on my feet. She was one of those people who greeted me that morning. She even helped me bake my cake. She celebrated with me. That's why I couldn't believe it when she raised a gun and pointed it at me. Did they really hate me so much that even her who I thought was sincere would want me dead?


"The cops are on their way."


Nag-angat ako ng tingin kay Detective Penber na katatapos lang sa pakikipag-usap sa kaniyang cellphone. Kumpara sa pakikitungo niya sa aking mga kaibigan ay mukhang mas hindi siya kumportable sa presensya ng aking huling bisita. Maya-maya pa ay magkakasunod na rin na dumating sina Declan, Lev, at Forest. Declan immediately ran to my side upon noticing the dead maid with a gun.


"You aren't hurt, are you?" he asked while scanning my body for any wounds.


Tahimik akong umiling sa kaniya. Tinitigan niya ako nang mabuti at saka niya napansin ang panginginig ng aking katawan at pangangatal ng aking mga labi. Agad niya akong ikinulong sa kaniyang mga bisig. Doon ko rin lang naramdaman ang labis na lamig ng paligid. Walang imik na nakatingin sa amin ang aming mga kasama na tila ba isang hindi kapani-paniwalang pelikula ang kanilang napapanood. Naputol lang iyon nang marinig namin ang mga paparating na police cars. Ganun pa man ay hindi pa rin ako pinakawalan ni Declan.


"How about you guys disappear and let me handle things? I'll take care of Miss Devereaux –"


"No," mabilis at may diing tutol ni Declan sa suhestiyon ni Detective Penber.


Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na okay lang ako – na kaya ko pa rin i-handle ang sitwasyon. At kung mas makabubuting wala sila sa pinangyarihan ay kakayanin ko pa rin ang mag-isa. Ngunit walang kahit isang salita ang nagawang makalabas sa aking labi. Walang pagsisinungaling ang kaya nitong pakawalan. For once, I was admitting that I couldn't handle it. I couldn't take anymore of it. I needed help.


"If Declan's not leaving then I'll stay as well," pahayag ni Lev.


Forest sat on one of the chairs and picked a broken cookie on the ruined table. "I'm only here for the entertainment. I can't miss the interesting parts," aniya.


Everyone's eyes turned to Miss Veron, the last person on my guest list. Nakatayo lang siya habang ang isang kamay ay nasa bewang; nakatingin sa paligid na tila ba hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari.


"I'll take my leave then. I have more important things to do than attending this party from hell," malamig ang tinig na wika niya.


Bago siya umalis ay humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ng aking katawan nang hawiin niya ang kumawalang hibla ng buhok sa aking mukha. Tila takot na mas lalo akong nagsumiksik sa dibdib ni Declan.


"Happy Birthday, Miss Devereaux," sarkastiko niyang bati at saka umalis.


Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon