Chapter 49: The Black Butterfly

10.7K 360 132
                                        

AUTHOR'S NOTE: The end is coming. I know you feel it, too. I'll post Chapter 50 and Epilogue this weekend or next week. Thank you so much for staying with me until the end of Montello High adventure. I really appreciate all of you. And oh! You can check the Dark Fairytale Playlist in my Spotify account. Enjoy reading! - Siel Alstreim


CHAPTER 49: THE BLACK BUTTERFLY


It was thunder and lightning caged in a room and I was in the middle of the chaos. There was no escape; only enduring the deafening sound of death's calling, the sharp cries of the equipment as two killers smashed against them, and the whispered wish for everything to be over.

I whimpered in pain as the chair I was sitting on hit the floor and my body fell from it. Elle stepped over me like a tigress leaving its prey to face another predator in its territory. They clashed as they met; throwing punches and evading dagger as they breathe.

Halos hindi na masundan ng aking mga mata ang kanilang marahas na tunggalian. Napakabilis ng kanilang paggalaw at naniniwala akong mas nakalalamang si Declan pagdating sa aspetong iyon. Subalit may iniinda ito sa kaniyang balikat at bagama't hindi pa niya ipinapakita ay nag-aalala akong madiskubre iyon ni Elle at puntiryahin bilang kaniyang kahinaan. Sinikap kong humakbang paatras. Alam kong ang tanging maitutulong ko kay Declan ay ang hindi maging sagabal sa kaniyang mga galaw.

"Traitor! You're throwing away being a Novou just to become a Freniere!" Elle accused angrily as Declan managed to land a blow on her side. Naihampas siya nito sa isang malaking aparato na naging dahilan ng kasabay nitong pagtumba sa sahig. Bakas ang sakit na naramdaman nito sa bahagyang paggusot ng kaniyang mukha.

Si Declan naman ay dinampot ang nakitang mahabang bakal. Nagawa pa nitong kilatisin ang tibay nito bago muling bumaling sa nag-uumpisa na muling tumayo na si Elle.

"I was actually willing throw away everything. I have no need of those names. I've decided to step away from all the conflicts and live a normal life." Sinubukan nitong ihampas ang hawak na bakal sa sahig at gumawa iyon ng nakakapangilabot na ingay na tila nangangako ito ng karahasan. Habang papalapit kay Elle ay mas dumidilim pa ang anyo nito. Natatakot akong makalimutan nito ang sarili; makalimot ito na naroon ako. "But you keep on messing with the most important person in my life. I tried to dissuade you from going after her. But you won't stop. And now, here we are. This is where I'm going to end you."

Elle sneered sarcastically. "The Novou created you. Your life belongs to the Novou. You are a Novou and you will live and die as one!"

In just a few second, Declan got near Elle. He rose the steel rod and tried to hit her. The woman managed to dodge it and rolled to the side.

"And to get my life back, I will kill you. If I must, I will kill all the Novous that gets on my way," wika ni Declan. He was preparing to make another attack.

Sa muli nitong pagtatagpo ay nagsimula nang ulit ang pagpapalitan nila ng atake. Naging mas mapanganib ang kanilang galaw. Ang bawat isa ay nais tapusin ang katapat. Napasinghap ako nang magawang ibaon ni Declan ang hawak na bakal sa binti ni Elle. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng babae bago nito naabot ang balikat ni Declan at mariin iyong hawakan. Halos bumaon ang mga kuko nito doon at bumakas ang mantsa ng dugo sa damit ni Declan at daliri ni Elle.

Dahil doon ay nabitiwan ni Declan ang bakal at napahakbang paatras habang hawak ang nasaktang balikat. Si Elle naman mabilis na hinugot ang bakal mula sa binti. Isang impit na daing ang narinig sa kaniya nang tuluyan nang maialis ang bakal mula sa kaniyang laman at umagos doon ang dugo. Lumikha ng ingay ang itinapon niyang bakal sa sahig bago nagmamadali sa pag-ika na lumabas ng laboratoryo.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon