Chapter 11: The Sea of Strangers

57K 2.3K 556
                                        


CHAPTER 11: The Sea of Strangers

Soundtrack: How would you feel? – Ed Sheeran



"So, what happened?"


Nagulat ako nang marinig ang boses ni Lev na bigla na lang ay nasa akin nang tabi. Kalalabas ko pa lang ng Principal's office at patungo na ako sa gate kung saan naghihintay ang aking sundo. Pagsasabihan ko sana siya tungkol sa panggugulat sa akin subalit mas gusto kong iparating sa kanya ang magandang balita. I didn't really share most of the things happening to me to anyone. No one's really asking. But Lev asked me this time and he seemed to be really curious about what happened. Maybe it wouldn't hurt if I'll share to him the good news.


"Natanggal ako sa scholarship," nakangiti kong sabi.


Kunot-noo niya akong tiningnan. "For someone who'd just been out of the scholarship program, you're surely the happiest."


Alam kong hindi pa nawawala ang ngiti sa aking mukha mula nang iwan ko ang Principal's office. Para kasi akong nabunutan ng tinik matapos kong indahin ang sakit sa loob ng mahabang panahon – ganun na ganun ang pakiramdam ko sa pagkakataong ito.


"But I'm now the student assistant of Miss Veron and that's also like being under the scholarship. I feel like I'm just saved."


"Whoa! Wait there! Miss Veron? But she just tried to slaughter you this morning!" nagtatakang sagot niya.


She did. Pero ang lahat ng takot na nararamdaman ko sa kanya ay panandaliang binura ng sandaling iyon. Hindi na mahalaga kung ano ang dahilan ng pagtulong niya sa akin dahil tanging ang pananatili sa Elford High ang nasa isip ko ngayon.


"Maybe, she doesn't really hates me that much," ang tangi kong sagot. Maaari naman iyong mangyari, hindi ba?


"Oh! That woman hates almost everything. Even roses could annoy her," wika niya na tila pinipigil ang pagtawa.


Kunot-noo ko siyang tiningnan. Bago pa lang siya sa Elford High pero mukhang alam na niya ang ugali ni Miss Veron. "You talk as if you just annoyed her," sagot ko.


"I did. I helped her this morning, remember? Pero kung tingnan niya ako parang gusto niya akong sagpangin," atsaka siya tumawa. "Anyway, you just had your place in Elford High back, right? How about we celebrate it?" tanong niya.


Awtomatiko akong umiling sa kanya. Tama nang nasabi ko sa kanya ang magandang nangyari saakin. Having someone listening to me was already a kind of celebration.


"I'd rather be with my books on my bed on a Friday night, thanks!" Nakangiti kong tanggi. Hindi naman siya nagpumilit pa at sa halip ay sinabayan na lang ako sa paglabas ng gate. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung bakit hindi niya kasama si Declan subalit ayokong isipin niya na interesado ako sa pinsan niya. And aside from that, there's this mystery that surrounded these two and it was giving me this feeling that they somehow didn't like each other very much.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon