Chapter 36: Unending Nightmares

8.4K 318 205
                                    

CHAPTER 36: UNENDING NIGHTMARES


I sipped on my cup of chamomile tea as I stared at the man in front of me. He was fidgeting on his seat. It was my first time seeing him uncomfortable like this. At hindi ko alam kung ma-a-amused ako o mababahala sa ikinikilos niya.

"It's okay, Declan. Forest might be right about me being weak. But if you will let me in on one of your secrets, I promise to be brave enough to listen," panghihikayat ko.

Ilang saglit niya akong tinitigan na tila ba sinusukat niya kung dapat bang marinig ko ang ipagtatapat niya. Bakas ang determinasyon sa aking mukha na sinalubong ko ang kaniyang tingin. Sa wakas ay mukhang nakita niya ang kaniyang hinahanap at nagpakawala ng isang malalim na paghinga.

"I am The Ghost," pahayag niya.

Maraming tanong ang agad na pumasok sa aking isipan. Alam kong lumarawan din sa aking mukha ang pagkalito. In the end, I managed to give a vague comment. "But ghosts are not real!" usal ko. And I instantly felt regret because it might not be the right words. Bahagya akong nakaramdam ng pagaalala. Baka magbago ang isip niya kung sa simula pa lang ay pinabubulaanan ko na ang kaniyang sinasabi. "Or maybe, I just don't have a third eye to see them..." bawi ko.

Marahang umiling si Declan. "And if you get to see ghosts, what would you do?" tanong nito.

Saglit akong nag-isip. Pumasok sa aking isipan ang mga horror books na nabasa ko. "I would get scared? Run away from it. I would wish not to encounter it."

Tumangu-tango si Declan. "They call me The Ghost because I instill fear on my enemies. When I set my eyes on the target, no matter how hard they try to run, they won't be able to escape from me. Even some reapers would dread seeing me," paliwanag nito.

"And the enemies you are talking about are the reapers? At isa sa kanila ay si Forest?" paniniguro ko. Bagama't inililihim nila sa akin ang maraming bagay ay napagtatagni-tagni ko naman sa aking isipan ang mga salitang binibitiwan nila. Madalas ay hindi ko mahanap ang mga koneksiyon sa mga iyon. Subalit sa pagkakataong ito ay tila nagkakaroon ng kaunting linaw ang lahat. "Iyon ba ang dahilan kaya't hindi kayo nagkasundo sa una pa lang? And Lev? Ano siya?"

Alam kong nagbabadya na ang sunod-sunod na tanong mula sa akin. Declan was patient as he sipped on his coffee.

"Lev and I are Novous. It's a family name and the Novou has a lot of enemies. The biggest ones we have are the Freniere Mafia and its reapers."

Naging mas malalim ang gatla sa aking noo nang marinig ang mga salitang Novou, Freniere, at reapers. Kung ganoon ay nasa panig si Forest ni Van Freniere.

"But Forest had been nice the whole time. She didn't try to hurt me... well, not until kanina," wika ko bilang pagdepensa kay Forest.

Agad na nagdilim ang mukha nito. Isang matabang na pagtawa ang pinakawalan ni Declan. "If it weren't for you, we would have been tearing each other's throat. Kung alam ko lang na magagawa ka niyang saktan, I would have wrapped her hair around her neck and replace the church bell with her dead body."

Napalunok ako sa ideyang iyon. Sigurado akong hindi intensyon ni Forest na saktan ako. "Forest knew that you'll save me when she threw me out the window."

Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Declan. Ilang sandali siyang nagpalakad-lakad na tila kinakalma niya ang nag-uumpisa na namang umusbong na galit sa kaniyang dibdib. Maya-maya'y muli siyang tumigil sa aking harap.

"At paano kung hindi ko napigilan ang aking sarili at sa halip na sagipin ka ay mas piliin ko pa na tapusin siya? I was made to finish the mission, Emily. At sa susunod na makita ko ang babaeng iyon, sisiguruhin ko na hindi na siya makakatakas pa."

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon