Chapter 10: A New Door

52.2K 2.3K 435
                                    


Chapter 10: A New Door



There was a cold fire in her eyes that instantly burned me the moment they fell in my direction. Suddenly, I felt a chill that froze my bones and hammered my chest. She made me want to run for my life and leave the chapel immediately. She had that impact on me.


"You look like shit," malakas niyang wika na umalingaw-ngaw sa kabuuan ng chapel. Tila lahat ng anumang bagay na may buhay at walang buhay na naroroon ay narinig ang kanyang sinabi.


Awtomatikong dumapo ang aking mga kamay sa aking buhok at sinuklay iyon. Magulo rin naman ang buhok niya subalit maganda pa rin iyon at kahit ano yatang gawing ayos rito ay babagay sa kanya.


"You don't seem to be a student of Elford High," sagot ko na nakatingin sa kanyang suot.


Ngumiti siya at inayos ang pagkakaupo paharap sa akin. Bagama't mayroong pagitan sa aming dalawa ay malinaw pa rin naming naririnig ang isa't isa na para bang magkalapit lang kami.


"I'm on a mission," wika niya.


Kunot-noo ko siyang tinitigan. She wasn't wearing Elford High's uniform, and if she was one of the students, I would definitely recognize her because of her hair. At saka sigurado akong hindi palalagpasin ni Miss Veron ang maka-agaw na pansin niyang buhok at istilo. She was wearing a black dress and she was sleeping inside the chapel. Hindi halata sa kanya subalit maaaring isa siya sa mga taong-simbahan na nananatili rito.


"Oh, yes. A mission to spread the word of God," tumatangu-tango kong wika na para bang sinagot ko ang sarili kong tanong.


Her smile grew wider to the point that it looked almost strange. There was something in her that was making me uncomfortable. And whatever that was, I hoped that it wasn't something that would put me in peril--because honestly, I had enough chaos on my mind.


Nang maramdaman ko ang tumitinding discomfort sa pagitan naming dalawa ay tumayo na ako upang umalis. Siguro ay mabuting sa library na lang ako maghintay ng susunod kong klase. The chapel was surely silent – silence was what I needed at the moment – but it was the kind of silence that felt more dangerous every time she laid her eyes on me.


"Well, I got to go now," kinakabahan subalit nakangiti kong sabi.


Akmang bubuksan ko na ang malaking pintong kahoy ng chapel nang muli siyang magsalita dahilan upang mapatigil ako.


"The chapel is the safest place. But I have a feeling that we're going to meet again."


Agad akong lumabas matapos kong marinig iyon. Why would we meet again? Wala akong nakikitang dahilan upang magkita kaming muli. Palagi akong sinasabihan ng mga kaklase ko at nakakakilala sa akin na isa akong weird na tao kung kaya't hindi nila gustong mapalapit sa akin. But that girl was a different kind of weird. She made me want to regret meeting her.


My vacant time was spent in the Elford High's library. Bagama't tahimik doon ay may mga estudyante namang nagtutungo upang mag-aral. Hindi ko maiwasang hindi maramdaman na nakatingin sila sa akin sa tuwing yuyuko ako upang magbasa ng libro. Maybe everything was just on my mind and my insecurities were just messing with me. Maybe I was just birthing my own ghost.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon