Chapter 24: Casa Eleonor

14.5K 997 624
                                    

CHAPTER 24: CASA ELEONOR

Soundtrack: The End of LoveFlorence + The Machine

A/N: I made a list of soundtracks for Dark Fairytale on Spotify. You can find the link to my Spotify account on my profile. Thank you for reading!

- Siel Alstreim

I blinked – still in disbelief of what's in front of me. Back in the coffeeshop when I realized that I had nowhere to go, I imagined sleeping on one of the pews of a chapel, or if it's a 24-hour coffeeshop, I would ask Detective Penber to lend me some money to buy a whole night's worth of caffeine. Subalit napakalayo ng mga options na iyon kumpara sa kung ano ang nasa harap ko ngayon.

It was an old house with a huge garden. And even though it appeared to be deserted for years because of the tall shrubberies and the blooming and decaying flowers, its beauty was still engraved on it. The flowering vines crawling on its walls and the cobwebs at the corners made the place appear to be stuck on time. The passing years must have intensified its personality.

Pigil ang aking paghinga habang pinapanood si Detective Penber at ang isa pang babae na naka-corporate attire na sinususian ang malaking padlock sa gate nito. Tila nabunutan ako ng tinik nang tuluyang mabuksan ang tarangkahan – patunay na hindi kami nagkamali ng lugar na pinuntahan; na hindi totoong wala akong matutuluyan. Mabilis na bumalik si Detective Penber at pinaandar ang sasakyan papasok sa driveway nito. Nakasunod naman sa amin ang kotse ng babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan.

"Welcome to Casa Eleonor," wika ni Detective Penber nang huminto kami sa entrance ng bahay.

Eleonor. May pakiramdam ako na simula ngayon ay magiging madalas na ang pagbanggit sa pangalan ng aking ina. Hindi ko maintindihan ang kaba sa aking dibdib nang lumabas ako ng sasakyan at tumayo sa harap ng bahay. Sinipat ko ang two-storey house. Tila may buhay itong nakatingin pabalik sa akin at kinikilala ang aking pagkatao.

"Miss Emily Danielle Devereaux?"

Napalingon ako sa may-ari ng boses at nakita ang babaeng kausap ni Detective Penber kanina na nakatayo sa aking likuran. She was gorgeous, with a pixie-cut platinum blonde hair. She looked so strict and formal. Kung pagsasamahin sila ni Miss Veron ay tiyak na magye-yelo ang lugar.

"I'm Attorney Yngrid Verja. I handle Eleonor Devereaux's properties," pagpapakilala niya.

Mabilis kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng aking ina, pakiramdam ko ay may mga mensahe siyang nais na ipaabot sa akin. Inilabas ni Atty. Verja ang isang susi at binuksan ang malaking pinto ng bahay. Malakas ang langitngit ng mabigat nitong kahoy habang ipinapakita sa amin ang loob ng Casa Eleonor.

"Pag-aari ito ng yumao mong ina, Miss Devereaux. Ngayon na nasa tamang edad ka na ay opisyal nang malalagay sa pangangasiwa mo ang bahay na ito. You can make it your home or sell it. The future of Casa Eleonor is now yours to decide," wika niya habang iginigiya ako papasok.

"It was abandoned for a long time," mahina ang tinig kong wika habang gumuguhit ng isang tuwid na linya sa makapal na alikabok na nakakapit sa mga muwebles. Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang. Kung sana ay ibinigay nila ito sa akin nang mas maaga; kung sana ay hindi ako agad iniwan ng aking mga magulang.

"Well, kasama ito sa mga properties na mapapasailalim ng iyong pangalan. Apparently, your parents thought that you need time. The company and other possessions are too much for a young girl to handle. But now that you've enjoyed your youth, playtime's up. You now have responsibilities in your hands."

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon