CHAPTER 35: THE GHOST AND THE REAPER
For some unknown reason ay tila hindi ako magawang iwan ni Declan kaya't nagdesisyon siyang ipagkatiwala muna ang Veronika kay Lev. Sa narinig ko'y kailangan nitong dalhin sa isang yacht club ang yate upang ma-secure ito nang maayos. Mukha nga'ng hindi pa nito sana nais pagkatiwalaan si Lev subalit dahil sa akin ay nasubukan ang kaniyang kakayahan na magtiwala.
Lev, on the other hand, was happy to be trusted with a beautiful yacht. Hindi siya madalas na nakakapagbiyahe sa dagat kung kaya't eksayted siya sa pagpapaandar nito. Mukha ngang agad na napalitan ng Veronika ang aking Poseidon car sa puso ni Lev. at hindi ko siya masisisi. Veronika was a vision of exciting adventures.
Ilang saglit pa at nakatapak na kami sa pantalan habang nagpapaalam kay Lev. Dapit-hapon na nang sandaling iyon at medyo dumidilim na ang kalangitan. Agad kaming nagtungo sa pinag-iwanan namin ng kotse ni Zoey.
"You didn't bring your motorcycle?" tanong ko kay Declan nang manatili itong kasama namin.
Umiling ito. "I'll drive the car," sagot nito na ikinasimangot ni Zoey.
"No way! I drove us here kaya dapat lang na ako rin ang mag-drive pabalik!" tutol nito.
Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Declan sa kaniya. "You can stay here and go home on your own."
Mukhang naramdaman ni Zoey na hindi nagbibiro si Declan sa banta nito dahil hindi na siya nagpumilit pa. She grumpily climbed to the back of the car while I settled on the passenger seat. Nagulat pa ako nang yumuko si Declan sa aking harap. Napakalapit ng kaniyang mukha sa akin na agad na nakapagpabilis ng pagtahip sa aking dibdib. Inabot niya ang seatbealt at ikinabit. Saka ko lang pinakawalan ang pinipigil kong paghinga nang isara nito ang pinto at umikot tungo sa driver's seat.
"Now, I know why you don't like Van Freniere," narinig kong usal ni Zoey sa likod na agad na ikinapamula ng aking mukha. Itatanggi ko sana iyon subalit nakapasok na si Declan sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan. Kung narinig man niya ang sinabi ni Zoey ay hindi na siya nagkomento pa.
Naging tahimik ang aming biyahe. Walang sino man sa amin ang nais na magsalita. Zoey might still be pissed off that she wasn't able to drive the car. I didn't want to talk because I was afraid that I would just escalate the awkwardness between us. I didn't want Zoey to have any more ideas in her head. And Declan, well, he was just being his aloof, brooding self.
Ilang saglit pa at nakarating kami ng Devereaux Mansion. Hindi ko na sana gustong ipasok pa ang sasakyan dahil bumabalik sa aking ala-ala ang mga kahindik-hindik na pangyayari noong aking kaaarawan. Subalit nang makita ng nagbabantay sa gate na sakay namin si Zoey ay agad kami nitong pinagbuksan. Tila walang ano man na ipinasok ni Declan ang sasakyan at inihinto sa mismong tapat ng mansiyon.
"Well, thanks for the super fun ride," sarkastikong pasasalamat ni Zoey at binuksan ang pinto ng sasakyan.
Sa pagbukas ng pinto ay agad naming narinig ang sigawan na nagmumula sa mansiyon. Mga tinig iyon nina Uncle William at Aunt Martha; mukhang nasa gitna sila ng isang mainit na pagtatalo. I glanced at Zoey and I saw the look of worry on her face. I knew by then that I had to see what's going on in the mansion. Mabilis ko siyang sinundan sa pagbaba ng sasakyan at patakbong pumasok ng mansiyon. Nasa foyer na kami nang makita namin ang mag-asawa sa baba ng malaking hagdan. They were still shouting at each other's faces. At mukhang hindi nila napansin ang aming pagdating kaya naman kitang-kita ko kung paanong nagtaas ng kamay si Uncle William at binigyan ng isang malakas na samapal si Aunt Martha.
BINABASA MO ANG
Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)
Fiksi RemajaEmily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in the same fire but a mysterious boy saved her before suddenly disappearing in the darkness of the nigh...