Chapter 13: The Girl and the Universe
I woke up with the room's air conditioning on and a comforter covering my body. I was still wearing the school uniform I wore yesterday so I got up immediately and took a shower. Habang nasa ilalim ako ng malakas na patak ng tubig ay bumalik sa aking isipan ang mga nangyari ng nagdaang gabi. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang kusang sumasariwa ang lahat sa aking isipan. Kung pwede lang na kasabay ng pag-agos ng tubig ay mawala na rin lahat ang mga masasamang ala-ala at lumabas ako nang malinis at walang problema. Subalit ang lahat ay tila isang masakit na sikat na araw, nakakapaso at pinaparating na ang mga iyon ay totoo.
Nang bumaba ako mula sa aking silid ay nakita ko sina Uncle William, Aunt Martha at Zoey na nag-uumagahan. Nais ko sanang bumalik muli sa silid at magpahuli na lang sa pagkain subalit agad akong tinawag ni Aunt Martha upang saluhan sila nang ako'y kanyang makita.
"Alfred told me that you had a group study yesterday. How was it?" tanong ni Aunt Martha.
Masama naman akong tinapunan ng tingin ni Zoey habang si Uncle William ay seryoso sa kanyang pagbabasa ng dyaryo habang may hawak na kape. Lihim kong ikinuyom ang aking kamay at pinagkiskis ang kuko ng aking hintuturo at hinlalaki. Hudyat na ang susunod kong sasabihin ay kasinungalingan.
"Uhm, it was just fine Aunt Martha. Medyo natagalan lang kami nang kaunti dahil nag-yaya ng kape ang isa kong kasama," sagot ko.
"As if that group study consisted of five or more students," Zoey snorted.
"Still, it's a group study. You should have gone with them Zoey instead of going clubbing on Friday nights," pagtatanggol sa akin ni Aunt Martha.
"I don't want to go with her. At isa pa, did you know that she just lost her scholarship? It seems that your favourite niece is not very good at all."
Bigla akong naging sentro ng atensyon ng lahat dahil sa sinabi ni Zoey. Nakaramdam ako ng kaba nang ibaba ni Uncle William ang binabasang dyaryo atsaka tumingin sa akin. Alam kong hindi niya nagustuhan ang kanyang narinig.
"The school called us. And I know that she got another scholarship from a History teacher. That's going to be your last chance, young woman. Or you'll have to transfer to another school," seryosong wika ni Uncle William.
"Yes, Uncle William." Nakahinga ako nang maluwag nang hindi niya ako pagalitan. Nagtataka man subalit hinayaan ko na lang iyon dahil mas mabuti nang ganito ang reaksyon niya kaysa makatikim ako ng maanghang na salita.
"By the way, you should stop going to clubs, Zoey. The incident in The Stone Club last night is all over the news. It seems that there are people distributing drugs in the club which over-dozed those club-goers. Twenty-three people are dead."
Natigilan ako sa pagsubo nang sabihin iyon ni Uncle William. Bagama't ang atensyon nila ay na kay Zoey na sa pagkakataong iyon, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong kabahan. Dapat bang sabihin ko na nandoon ako sa club na iyon nang mangyari ang insidente? Subalit masisira ang tiwala nila sa akin at baka tuluyan na talaga akong ilipat ng ibang school.
BINABASA MO ANG
Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)
Fiksi RemajaEmily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in the same fire but a mysterious boy saved her before suddenly disappearing in the darkness of the nigh...
