Prologue

358K 6.7K 1.3K
                                    

PROLOGUE


Once upon a time, I had everything I needed in my life.


I had hardworking parents who wanted to ensure that I would have a bright future.


I had  plenty of friends who were always there for me, who supported me in everything I did and swore never to leave my side.


I lived in a castle-like mansion--a place where all of my schoolmates since grade school wanted to enter.


I had expensive and pretty dresses in my closet, numerous pairs of shoes and jewelry.


I was living like a twelve-year-old princess in my fancy, enormous kingdom.


Everyone wanted to be on my side.


I already had everything and I could get anything I wanted--until my fate stole it all from me, one cold, terrible night.

***

~Emily Devereaux~

5 Years Ago


Nang matapos ako sa librong aking binabasa ay niyakap ko ito nang mahigpit sa aking dibdib at saka tumulala sa kawalan. Tila isang pelikula na inaalala ng aking isip ang mga paborito kong senaryo sa kuwento. Hindi pa rin ako handang pakawalan ang librong binasa ko kung kaya't pilit kong iginuguhit sa aking isipan ang hitsura ng bidang lalaki: kasing-itim ng gabi ang kanyang buhok at may malamlam na mga mata na tila pag-aari iyon ng isang anghel. Lihim akong napangiti sa aking sarili bago inilapag ang libro sa desk na katabi ng aking kama.


"You are such a brave boy. I'm happy that you conquered until the end," I whispered, silently talking to my new favorite character, and laid on my bed. I checked the clock and it read 11:00 pm. I was screwed. I had to wake up early for tomorrow's class but I just couldn't sleep. I simply wanted to know how this book would end.


Matapos ang tila walang kapagurang paglalaro sa aking isipan ng mga nangyari sa librong binasa ko, unti-unti kong naramdaman ang paglamon sa akin ng antok. Baon ang maikling panalangin at kahilingan ng magandang panaginip ay ipinikit ko ang aking mga mata at niyakap ang kadiliman.


Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid na agad na nagpagising sa aking diwa. Bumangon ako at tiningnan ang oras. 2:00 am. Nagtataka akong naupo sa aking kama at saka tiningnan ang pintuan. Maya-maya pa ay isa pang sigaw ang pumailanlang sa paligid kung kaya't kinuha ko ang aking unan at saka niyakap ito nang mahigpit. Ang malalakas na sigaw na iyon ay nasundan pa kasabay ng mga daing na humihingi ng tulong. Binalot ang puso ko ng matinding takot kasabay ng pag-agos ng luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa labas ng aking silid at wala akong lakas ng loob upang alamin iyon.


Matapos ang ilang saglit ay nakita ko ang pagpasok ng usok mula sa mga siwang ng pintuan. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng paligid. Nais kong lumabas upang makahinga nang maayos.


Tumayo ako at nagtungo sa pintuan. Subalit nang buksan ko iyon ay sumalubong sa akin ang makapal na usok. Tuluyan iyong nakapasok sa aking silid at wala na akong ibang matakbuhan pa kung hindi ang magtungo sa bukana ng mansyon at lumabas.


Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan. Unti-unti na rin akong nahihirapang huminga sa bawat hakbang na aking ginagawa subalit sinikap kong magpatuloy. Mas lalo kong naramdaman ang init sa paligid nang tuluyan na akong makababa.


Nagkaroon ako ng pag-asa nang ilang hakbang pa ay nakita ko na ang bukana ng mansyon. Maaari na akong makahinga nang maluwag sa sandaling makalabas na ako. Subalit bago pa ako muling makahakbang ay nahagip ng aking mga mata ang bagay na naging sanhi ng pag-guho ng aking mundo. Tuluyang nilamon ng takot ang bata kong puso nang makita ko ang mga duguang katawan ng aking mga magulang sa sahig ng mansion. Nakahandusay rin kasama nila ang mga kasambahay na nag-alaga sa aming pamilya sa loob ng mahabang panahon.


Sa pagkakataong ito ay hindi ko na magawang igalaw pa ang aking katawan at tuluyan na akong nawalan ng lakas. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak nang malakas habang tinatawag ang aking mga magulang. Nanatili ako sa aking kinatatayuan at hinintay ang aking katapusan.


Mabilis na nilamon ng apoy ang mansyon na aking kinalakihan. Inagaw nito mula sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay ko. Pinigil nito ang aking paghinga. Ninakaw nito ang aking mundo.


Hanggang sa ang malakas kong pag-iyak ay napalitan ng magkakasunod na pag-ubo. Tuluyan na akong nanghina at napaluhod sa sahig. Ilang saglit na lang ay matutulad na ako sa aking mga magulang na nakahandusay sa sahig.


Unti-unti nang nagdidilim ang aking paningin. Mula sa lubhang napakasakit hanggang sa wala na akong maramdaman. Mula sa pagkakaluhod hanggang sa tuluyang paghandusay sa sahig. Maaaring ito na ang aking katapusan.


Subalit bago pa ako tuluyang nawalan ng malay ay isang binatilyo ang lumitaw sa bukana ng mansyon. Nakatayo siya roon at nakatingin sa akin. Inangat ko ang aking braso na tila ba iniaabot ko ang aking kamay sa kanya. Subalit hindi siya kumilos at nanatili lang sa pagkakatayo. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa at bumagsak ang aking braso sa aking tabi. Unti-unti ko nang ipinikit ang aking mga mata na ang huling nakikita nito ay siya.


Ngunit bigla siyang kumilos at sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na ang taong iyon. Bagaman at isa lang siyang binatilyo ay nagawa niya akong buhatin nang walang kahirap-hirap at mabilis kaming nakalabas ng mansyon.


Hindi ko alam kung bakit tila kay bilis ng mga pangyayari. Halos wala akong naramdamang apoy na humalik sa aking balat. Nakahinga ako nang maluwag matapos ang matinding pag-ubo. Tila sabik na sabik na nilanghap ko ang hangin hanggang sa maramdaman kong lumapat ang aking likod sa damuhan.


I looked at my savior and saw that he had midnight black hair. He was quite tall and even in the darkness; I could tell that he was really good-looking. He was like one of the heroes I imagined from the books I read.


Our eyes met and my thoughts stopped. He had dark eyes. It was so dark that it rivaled even the darkest night. It was blank and cold and somehow, it brought fear in me.


He stood up and stared at the burning mansion. The bright fire was mirrored in his eyes. He showed no emotion about the tragedy in front of him. And with one last glance at me, he disappeared into the night.


I was left confused and in grief. I watched as the fire swallowed my world.


I watched as everything I had turned into ashes.

Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon