CHAPTER 48: THE BLOODY MASK
Natatakot ako. Idinidikta ng isip ko ang pagtakas. Isinisigaw nito ang pagtakbo palayo sa taong iyon. Ngunit mas nanaig ang takot ko para sa mga taong nakatira sa mansiyong ito. It was Uncle William's family's home. Dito nakatira sina Zoey at Aunt Martha. At hindi dapat narito ang isang katulad ni Elle Novou.
"What have you done? How dare you do that in my house!" malakas at galit ang tinig na iyon ni Uncle William. Malalaki ang mga hakbang na bumaba ito ng hagdan. Bahagya pa nito akong hinila paatras bago hinarap ang babaeng iyon.
Isang pagngisi lang ang ibinigay ni Elle Novou bago muling ibinalik ang nakapangingilabot na tingin sa akin. I could see in her eyes that she wanted to hurt me so bad. Ngunit pilit kong pinatatag ang aking isip upang hindi ako lamunin ng takot. One of the things I learned about this dark world was that I would be dead the moment I succumb to my fear.
Sinubukan kong lapitan si Lev subalit mahigpit akong hinawakan sa braso ni Uncle William. Nagtatanong ang mga matang tumingala ako sa kaniya. His expression was stern as he stared at the two Novous in front of us. At sa paghigpit ng kapit niya sa akin ay may dalawang bagay akong naintindihan sa aming sitwasyon. Una, alam niyang masamang tao si Elle Novou. At pangalawa, hindi ito ang una nilang pagkikita.
Hindi makapaniwalang pinaglipat-lipat ko ang aking tingin sa kanilang dalawa. "What is she doing here?" tanong ko sa nanginginig na tinig kay Uncle William.
Tumiim ang mga bagang nito. Mukhang hindi niya gustong sagutin ang tanong kong iyon. But Elle Novou had tried to hurt me more than once! I needed to know what she was doing in the Devereaux Mansion.
"Oh, I'm a very important guest here," usal ni Elle Novou nang hindi umimik si Uncle William.
Napapamaang kong ibinalik ang tingin sa babaeng iyon. Guest? I knew that Uncle William didn't see me as part of his family. Zoey hated me. But to have a dangerous person who hurt me in their own house was unacceptable.
"She couldn't be a guest here, Uncle William. You are putting your family in danger!" bulalas ko. He was putting our family in danger!
Bago pa makasagot si Uncle William ay narinig namin ang pagbukas ng silid sa itaas ng mansiyon. Mula sa itaas ng hagdan ay nakita kong naroon at nakatayo ang tila nahihindik sa nasasaksihang sina Zoey at Aunt Martha.
"Oh, God! Is that Lev?" tanong ni Zoey bago humahangos na bumaba ng hagdan. Saglit lang niya akong tinapunan ng nag-aalalang tingin. "I'll call 911!" wika nito nang masigurong si Lev nga iyon. Hindi ko alam kung ano na ang eksaktong kalagayan ni Lev. Wala sa amin ang makalapit sa kaniya dahil nakatayo pa rin si Elle Novou sa tabi nito habang hawak ang duguang punyal.
"No, you will not. Or you'll be the next to lie on the floor," banta ni Elle Novou sa akmang pag-akyat muli ni Zoey upang humingi ng tulong.
Sa puntong iyon ay nilapitan ni Aunt Martha ang nahihintakutang si Zoey. They both hugged each other as they fearfully watched Elle on her next move.
"William...?" tawag ni Aunt Martha sa asawa nito sa nag-aalalang tinig. "What's happening? I... I thought we're having a guest so... so I prepared dinner and..." Naglandas ang tingin nito sa nakahandusay na si Lev kaya't hindi nito nagawang ituloy ang sasabihin.
"It's okay. I'll deal with this. Emily is just leaving," kalmadong sagot ni Uncle William.
Subalit umalingawngaw sa loob ng mansiyon ang malakas na pagtawa ni Elle. "No one is allowed to leave. We will have dinner and let's talk about our business," pahayag nito.
"But Lev–"
Naputol ang sasabihin ko sa malakas niyang pagsipa sa tagiliran ni Lev. "Oh, he's still alive. He won't die with just a single stab. But that's what I like about it. He'll die like an animal with a slit neck; with blood slowly draining out of his body."
BINABASA MO ANG
Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)
Teen FictionEmily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in the same fire but a mysterious boy saved her before suddenly disappearing in the darkness of the nigh...
