CHAPTER 37: The Dark Fairytale
Her presence was suffocating. I couldn't breathe. I felt like the space inside the elevator was shrinking and every second was bringing me closer to danger.
"Breathe. I'm not going to kill you here," wika niya.
Hindi ko alam kung isa iyon sa kaniyang kakayahan o epekto lang ng pagiging malapit niya sa akin dahil sinunod ko siya at pinakawalan ang paghingang hindi ko namamalayan na pinipigil ko na pala. No... I was certain that at some point she was choking me to my death. Or it must be the fear that paralyzed me.
Pinindot niya ang button tungo sa basement at saka humarap sa akin.
"So, are you now Declan's lover? I can't believe that he would fuck a Devereaux. I have to give it to him. He got taste in women."
Gusto kong mahindik sa kaniyang mga sinasabi. I wasn't prepared at the vulgarness of her words. Pakiramdam ko ay nababastos ako sa kaniyang mga ideya. Subalit pinili kong hindi umimik. She might hurt me if I provoke her. At sa maliit na espasyong ito, hindi imposibleng masaktan niya ako.
Fourth floor...
She let out an evil laugh bago sumandal sa dingding. Taimtim kong pinapanalangin na may sumakay sa ikatlong palapag o mas mabilis pa sana ang pagbaba nito tungo sa ground floor.
"Well, I can't blame him. You look so innocent, so pure. And so damn rich. I would fuck you before I ruin you."
Third floor...
Kung sakaling tumigil ang elavator at bumukas, may sumakay man o wala, kailangan kong makatakbo palabas. Patuloy lang sa pag-ring ang cellphone ni Attorney Verja at nag-aalala akong baka ano mang sandali ay agawin iyon sa akin ni Elle Novou. Subalit hindi huminto ang elevator at patuloy pa rin ang nakakikilabot na tingin na ibinibigay sa akin ng babae.
Second floor...
"Tell him to stop playing with his food and finish the mission. Or I will have to finish it myself and end him," patuloy niya.
Agad akong napatitig sa kaniya. "A-ano'ng misyon ang t-tinutukoy mo?" Gusto kong purihin ang sarili ko dahil nagawa kong makapagtanong sa kabila ng takot. Kahit na ba nanginginig ang tuhod at nauutal ang boses ay nagawa kong salubungin ang kaniyang mga mata. Her smile widened dahil sa nakuha niyang reaksiyon mula sa akin.
"Wouldn't you like to know?" pakanta ang tinig niyang sagot.
Ground floor...
Sa wakas ay bumukas ang elevator at patakbo akong lumabas dito. May mga tao na sa lobby kaya naman ay bahagyang naibsan ang takot sa aking dibdib. Gayunpaman ay hindi nito mabubura ang katotohanan na isang delikadong tao si Elle Novou at mas mabuting tumakbo ako palayo sa kaniya.
But for a crazy moment, I turned towards the elevator and faced her. And with fear and anger in my eyes, I told her in my most determined voice: "Stay away from Declan! Don't you dare go near him or else..."
"Or else what?" mabilis niyang hamon. Isang nakalolokong ngiti pa rin ang nasa labi.
"Declan is mine now! And I'll do everything to keep him away from all of you!" matapang kong sagot.
Isang malakas at maiksing tawa ang isinagot niya. "He's a Novou."
Unti-unting sumasara ang pinto ng elevator at alam kong habang tumatagal ang pag-uusap namin ay mas lalong mananabik itong saktan ako. Subalit bago tuluyang sumara ang elevator ay muli ko siyang tiningnan sa mga mata.
"Fuck Novou!" malakas kong sabi na ikinakuha ng atensyon ng ilang mga nasa lobby.
Nakita ko ang pagtalim ng kaniyang mga mata at paghakbang patungo sa akin. Subalit tuluyan nang sumara ang elevator. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Oh, God! What did I just do? Sinubukan kong muling tawagan si Attorney Verja subalit nanatili itong nag-ri-ring. Oh, no! What if balikan niya ako? She was just at the basement!
BINABASA MO ANG
Dark Fairytale (Published under Cloak Pop Fiction)
Teen FictionEmily Devereaux had everything...until it was stolen from her on the night she found her parents dead and their mansion burning. She almost died in the same fire but a mysterious boy saved her before suddenly disappearing in the darkness of the nigh...
