Simula

157K 1.5K 165
                                    

A/N: As I've said, you can read my stories stand-alone or not in chronological order, but you will encounter some glimpses of the spoiler for the next book. This is the fourth installment of the OI series, and the scenery here is from a different set of times. So, the characters here are young but not minors.

In this story, I will tackle different types of mental health illnesses and diseases. I will do my best to be an eye-opener when it comes to mental health awareness.

Simula

Music is a universal language, and these quotes hit me. You can understand someone through their lyrics or their rhythm.

Hawak ko ang gitara habang pinapatugtog sa harapan ng matalik kong kaibigan. Hindi ako kumakanta tanging musika lang mula sa pagkalabit ko sa gitara ang maririnig.

"Napakagaling mo talagang mag gitara Flare," puri sa akin ni Davina ang bestfriend kong bading.

"Hindi naman. Sakto lang," mahinahon kong sabi saka nilapag ang hawak na gitara.

"Ang hinhin mo talaga 'noh? Samantalang galing ka sa pamilya na parang armalite ang bibig," natatawang sabi niya.

"Hindi ko rin alam. Siguro ayaw lang i-adapt ng utak ko yung paligid."

"May gig daw yung paborito mong banda sa kabilang baranggay ah?" sambit niya pa.

Nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi, "Talaga? Hala punta tayo best!" aya ko.

Ang bandang TheK kasi ay isa sa sikat na banda dito sa bansa at sila ang paborito ko.

"Sige ba! Pero may ticket doon eh paano 'yan?" tanong niya.

"Susubukan kong humingi kay Mama."

"Sana lang bigyan ka talaga. Oh siya? Sa susunod na linggo pa naman ang gig," sabi niya pa sa akin.

Pag uwi sa bahay ay agad akong nag browse sa internet. Unang tumambad sa akin ay ang article tungkol sa kanilang banda.

Hot topic: TheK released a new song

"Hoy!" tawag sa akin ng kapatid.

"Bakit?" tinigil ko ang ginagawa.

Hinagis niya sa akin ang isang bag, "Labhan mo lahat 'yan!" utos niya sa akin.

"Bakit ako? Hindi ko naman labahan 'yan ah?" laban ko pa.

"May lakad ako! Baka gusto mong sumbong pa kita kay Mama? Hoy Flare para sabihin sayo sampid ka lang rito."

Natahimik ako sa sinabi niya hindi dahil takot ako, tamad kasi akong makipagdiskusyon sa mga bagay na wala namang patutunguhan.

Agad kong inayos ang labahan habang naglalaba ay kumakanta rin ako. Palihim ko lang itong ginagawa dahil ayaw daw ni Mama na naririnig akong kumakanta.

"Flare!" rinig kong tawag sa akin.

"Sandali lang ho," sagot ko.

Iniwan ko muna ang labahan saka lumapit kay Mama na nakaupo na sa kawayan na upuan.

"Bakit ho?" tanong ko.

"Pumunta ka sa palengke at bumili ka ng makakain paghandaan mo kami ng kapatid mo."

"Sige po tapusin ko lang yung labahan pupunta agad ako."

Ganon ang sitwasyon ko sa bahay ako ang gumagawa ng gawaing bahay.   Lahat ako habang sila ay nakahilata lang.

"Natapos mo ba yung labahin?" tanong sa akin ni Sandy.

"Oo naman. Baka bukas tuyo na rin yun," mahinahon kong sagot.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon