Kabanata 8
"Wala ka pang ginagawa nahulog na ako sayo," sabi niya na nagpatibok na naman sa aking puso.
Ano raw nahuhulog na siya sa akin kahit wala pa akong ginagawa? Sandali hindi ako makahinga dahil sa kalabog ng dibdib ko.
Agad akong lumabas sa kwarto ni Keith dahil sa tindi ng nararamdaman ko, nakahawak pa ako sa dibdib habang naglalakad pababa sa hagdanan.
"Oh? Flare. Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Ate Marites.
"Opo."
"Mukhang namumula ka ah? Anong nangyari?" usisa niya pang lalo.
"Wala ate sige po dito na ako," agad akong pumunta sa kwarto namin ng mga kasamahan ko.
Nakaupo ngayon sa kama habang iniisip ang sinabi sa akin ni Keith. "Nahihibang na ba siya? Paano naman siya mahuhulog kung wala pa akong ginagawa?"
"Hays naman! Ano ng gagawin ko?" tanong ko sa sarili
Bakit naman kasi nambibigla siya? Hindi ba pwedeng pinahinga niya muna ako hindi yung dire diretso siya sa pagsasabi no'n.
Pakiramdam ko lalabas na sa dibdib ko ang puso dahil sa nararamdaman ko ngayong araw. Hindi ko kasi siya pinansin ng buong araw matapos nung tagpong iyon kahapon.
Bakit ko siya iniwasan? Hindi ko rin alam sa totoo lang. Oo, gusto ko si Keith pero hindi pa rin maproseso sa utak ko ang mga salitang iyon.
"Ano ka ba naman kasi Flare Ashanie eh!" naiinis kong sabi sa sarili sa loob ng isipan.
"Hindi ka nag iisip tapos ngayon hindi ka na makakilos dahil sa sinabi niya sayo kagabi,"
"Ano? Hindi ka na nakapagsalita?" bakas pa ang kung anong tono sa kanya.
Humarap na ako sa kanya, "Ikaw kasi eh."
"Ha? Anong ginawa ko sayo?" maang maangan niya.
"Sabi mo nahuhulog ka na rin sa akin,"
Tumango siya sa harapan ko. Ha? Siya mahuhulog sa kagaya ko?
"Bakit naman? Baka naman sinasakyan mo lang yung sinasabi ko sayo,"
"Iniwasan mo ako. Akala mo siguro hindi ko napansin yun," parang nagtatampo siya sa akin.
Yumuko ako sa harapan niya para humingi ng paumanhin. "Pasensya ka na. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sayo,"
"Nabigla kaya ako."
"Bakit ikaw lang ba? Nabigla rin ako sayo kagabi sa totoo lang," sabi niya pa sa akin.
Narito kami ngayon sa garden nag uusap at nagtatago sa mga tao.
"So, you like me?" He asked straightly and I nodded.
"I like you," I told him.
Bahala na kung ano bang kahihinatnan basta nasabi ko na yung nararamdaman ko.
"I like you too," he spat back making my stomach churned.
Nagitla ako ng hawakan niya ang kamay ko, "Huy..." suway ko sa kanya.
"Gusto mo ako at gusto kita. So, ano na tayo?" tanong niya pa.
"Uhm? Likers?" sagot ko.
Bigla siyang humalakhak sa sinabi ko at sapo sapo niya pa ang kanyang tiyan.
"Likers daw HAHAHAHAHAHAHAHAHHA sandali ang sakit ng tiyan ko!"
Nakatingin lang ako sa kanya ng nagtataka.
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
Ficción GeneralFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...