Kabanata 19

63.7K 865 74
                                    

Warning: Mental health disorders please read with awareness.

Kabanata 19

"Nay," tawag sa akin ni Cadence.

"Halika anak," malambing kong sabi.

Tulog kasi ang dalawa niyang kapatid ngayon at siya lang ang gising. Kasalukuyan akong gumagawa ng homework habang bantay ang anak ko.

"Wow! Ang galing na talagang maglakad ng anak ko." agad ko siyang kinarga.

Habang gumagawa ng homework ay nasa kandungan ko na si Cadence at nilalaro niya ang lalaruang sasakyan.

"Oh? Humihikab ang baby ni Nanay? Gusto mo na ba mag sleep?" marahan kong tanong at umiling siya.

"Ay? Gusto mo ng dede?" Agad namang lumiwanag ang mata niya sa sinabi.

Those green eyes that he got from his father.

Nilapag ko muna si Cadence sa higaan para matuloy ko ang pag gawa ng homework. Kakasimula lang kasi ng second sem ko sa kolehiyo at ngayon ay may pinapagawa na agad sa amin.

"Sandali mga anak," sabi ko nung sabay sabay na silang umiyak.

Tinigil ko muna ang ginagawa para patahanin ang tatlo kong anak. Mahigit isang taon na sila at lumalaki silang malusog at mababait.

Nakipaglaro ako sa mga anak ko sa loob ng kwarto at syempre kasama na roon yung kakantahan ko sila. Sa tuwing kakanta ako ay kitang kita ko ang saya sa kanilang mga mata.

"Flare, halina kayo at kumain na." aya sa amin ni Sister.

Sabay sabay kaming kumain sa hapag kasama ang mga naging pamilya ko na rito sa shelter. Hinahayaan kong matuto ang mga anak ko na mag isang kumain pero ginagabayan ko pa rin sila.

Pagkatapos naming kumain ay hinayaan ko munang makipaglaro ang mga anak ko sa mga bata rito, para man lang makatulong ako sa kanila dito sa loob ng shelter.

"Flare, kumusta ka?" biglang lumapit sa akin si Sister Amanda.

"Ayos naman po ako. Kayo po?"

Hinaplos niya ang buhok ko bago magsalita. "Ayos naman din anak."

Tinanong niya pa ako tungkol sa akin at sa pag aaral ko. "Ang saya po palang mag aral ano?"

"Nung bumalik po ako sa eskwelahan pakiramdam ko po ang saya saya. Wala akong maisip na pangarap noon pero ngayon meron na."

Ngumiti siya sa akin at ako naman ay nagpatuloy sa pagsasalita. "Ngayon po gusto kong magsikap para sa mga anak ko at gusto kong matupad yung pagiging isang psychologist balang araw,"

"Nakakatuwa ka talaga anak. Alam mo napakatibay mo dahil sa dinami dami ng pagsubok ay mas pinili mong tumayo." Sabi niya pa sa akin.

"Kailangan po kasi dahil may mga anak na akong umaasa sa akin,"

Fighting with my PPD is one of my toughest battle. It was really hard dealing with mental health; people would think that having those problems was nothing.

But dealing with those problems is not that easy. There was a time that I was happy without doing anything because my mind and body couldn't cooperate well.

Now that I am pursuing psychology, I want to be more cautious and more understanding when it comes to people's mental health and behavior.

Nag usap pa kaming dalawa ni Sister sa kung anu anong bagay at pagkatapos ay binalikan ko na ang mga anak ko.

"Oh?" sabi ko nung makita kong nadapa si Lyric.

"Ay ang galing naman ni Lyric," puri ni Sister Ingrid sa anak ko dahil bigla itong tumayo.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon