Kabanata 28 (Part 1)

63.3K 815 96
                                    

May mga parts akong inedit sa kabanata 23-27, kaya may mapapansin kayong nabago sa ginagawa ni Flare sa work ayun na iyon. Salamat sa nag clear sa field na iyon.

Happy 154k reads agad agad! Grabe kayo, sobrang salamat at mahal ko kayo. 😭💖

Kabanata 28 (Part 1)

"I don't want to marry you," I told him.

I rejected his marriage proposal right in front of our kids.

"Alright," tumayo siya at sinara ang lagayan ng singsing.

Nagitla ako nung sabay sabay na umiyak ang tatlong bata sa harapan naming dalawa.

'Shit Flare! Bakit sa harapan pa ng mga bata?" sigaw ko sa isipan.

"Nanay, bakit po ayaw mo?" umiiyak na sabi ni Symphony. "Ayaw niyo po ba ng happy family?"

Si Lyric at Cadence ay tahimik na lamang na umiiyak. Sobra akong nasaktan sa nakikita ko ngayon.

Si Keith ang nag alo sa mga bata, "Sorry.. Sorry.." sunod sunod niyang hingi ng paumanhin.

"Sorry k—kung nambibigla si tatay," sabi niya sa mga bata.

"Huwag na kayong umiyak mga anak at saka nirerespeto ko ang desisyon ng nanay," nakagat ko ang labi sa sinabi niya.

"Magiging happy family pa rin tayo kasi gagawin ni tatay ang lahat,"

Bigla na lang bumuhos yung luha sa mga mata ko. Lumapit sa akin si Keith at pinunasan ang luha ko.

"Oh?" sabi ni Davina nung madatnan ang sitwasyon namin.

"Best, pwede ba sa inyo muna yung mga bata. Mag uusap lang kami." Tumingin ako kay Keith na umiigting na ang panga.

"Sige." Sagot naman ng kaibigan at kinuha niya ang mga bata.

Ayaw pa sana nilang sumunod pero sinabihan na sila ng kanilang tatay. Pag pasok ng mga bata sa kwarto ay isang sampal ang binigay ko kay Keith.

"Bakit mo ginawa yun ha?" galit na galit ko ng sabi.

"Sorry."

"Ano? Gusto mo na akong pakasalan kasi may pinag aralan na akong tao? Gusto mo na kasi edukada na akong tao."

Iyak ako nang iyak sa harapan niya ngayon, "Papakasalan mo na ako kasi pwede mo na akong ipagmalaki?!"

"No.. No.." sabi niya sa akin.

"Eh anong dahilan mo ha?!"

"Mahal kita."

Pagak akong natawa sa sinabi niya pero ang sikip sikip na ng dibdib. "Mahal mo lang ako kasi may narating na ako."

"Hindi iyan totoo," tanggi niya sa sinabi ko.

"Sising sisi ako na nasabi ko sayo yun. Sising sisi ako na mas napangunahan ako ng galit."

"Sising sisi ako sa nagawa ko sayo. Walang oras na hindi kita iniisip nung nawala ka sa akin,"

Nakita ko ang luha na umaalpas sa kanyang pisngi, "Hinanap kita Flare pero mahina ako dahil hindi man lang kita nahanap."

Iyak ako nang iyak sa harapan niya ngayon at ganun din siya.

"Sorry kung binigla kita." sabi niya sa akin.

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko, pero agad akong umiwas sa kanya.

"Umalis ka na."

"No..." tanggi niya sa sinabi ko. "Sorry.."

"Hindi ka ba makaintindi?! Sabi ko umalis ka kasi hindi ko maatim na kausap yung kagaya mo."

I saw pain on his eyes, but I shrugged it off.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon