Papunta na tayo sa exciting part hihi
Kabanata 13
Masigabong palakpakan ang naririnig ko ngayon dito sa mansion dahil sa sinabi ni Dona Selena.
Ikakasal si Keith sa ibang babae. Napako ang tingin ko sa kanya sa harapan at kitang kita ko kung paano umigting ang kanyang panga.
"Around of applause for them," Dona Selena ordered us.
I managed to clapped my hands despite being in so much pain. Sabi niya ay aayusin niya ang lahat pero ano 'to?
Hindi ko na kinaya pa ang nakikita kaya naisip ko na lang na bumalik sa loob ng mansion. Pagpasok sa loob ay agad akong umiyak.
"Flare?" nagitla ako kay Ate Mela.
Mabilis kong pinunasan ang luha at inayos ang sarili, "Ay? Ate. Ikaw pala,"
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman ate." Pagsisinungaling ko.
Bumuntong hininga siya sa harapan ko at hinawakan ako sa balikat. "Huwag ka nang magsinungaling."
"Po?"
"Alam kong nasaktan ka kanina." Sabi niya sa akin. "Alam ko ang sa inyo ni Sir Keith."
Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "Hindi ko po alam ang sinasabi mo."
"Flare. Huwag ka nang magsinungaling dahil alam ko naman talaga." Alam kong nobyo mo ang amo natin."
Bumilis ang tibok ng puso sa kanyang sinabi. "Alam ko na kapag gabi sa kanya ka pumupunta dahil isang beses nasundan kita palabas at nakita ko na umakyat ka."
"Ate.."
Ngumiti siya sa akin, "Natatakot ka ba na isusumbong ko kayo?" tanong niya at tumango lang ako. "Huwag kang mag alala, Flare. Hindi ko sasabihin edi sana dati ko pa ginawa."
Hindi ako makapaniwala na alam ni Ate Mela ang tungkol sa amin ni Keith sa kanya ko iniyak ang lahat lahat. Habang umiiyak ay nakita kong pumasok si Keith sa maid's quarter.
"Ay? Sir." Si Ate Mela.
"Can I talk to her?" He asked.
"Sige po." Umalis agad si Ate Mela sa harapan naming dalawa.
Ngayon ay magkaharap na kami. "Bakit ka nandito?"
"Babe," he called me, and pain was visible in his voice.
"Sabi mo aayusin mo.." gumaralgal ang boses ko. "Sabi mo magtiwala ako sayo."
I saw a tear escape from his green eyes. "That's what I'm doing, babe."
"Tinanggihan ko yun dahil ikaw ang mahal ko." sabi niya sa akin.
"You lied to me." I said coldly.
Nahilamos niya ang palad sa mukha. "Hindi iyon ang intensyon ko."
"Hindi mo sinabi sa akin ang totoo." Nasasaktang sabi ko sa kanya.
Hahawak sana siya sa akin pero agad akong umiwas at nakita ko ang sakit sa kanyang mata. "Bumalik ka na sa labas baka hinahanap ka pa nila,
"I know you're mad and I'm really sorry babe." He said softly.
"Bumalik ka na sa labas at baka mahuli pa tayo," tanging sabi ko na lang.
Lumabas na siya sa maid's quarter at ako naman ay umiyak nang umiyak.
From: Babe
I love you so much
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
General FictionFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...