Warning: Mention of sensitive topics please read at your own risk.
Guys baka bet niyong sumali sa FB group name po niya is "All for purplemist 💜💜" thank you and enjoy reading.
Kabanata 28 (Part 2)
Takot na takot ako nung mapanood ang video ng mga anak naming nakagapos at may nakatutok na baril.
"Nanay! Tatay! I love you po.." umiiyak na sabi ni Symphony.
"Love na love po namin kayo.." si Lyric naman ang sunod na nagsalita.
Si Cadence ay tahimik lang na umiiyak pero nagsalita na rin siya. "Ibalik niyo na kami kila Nanay at Tatay namin nag aantay na sila."
Narinig ko ang tawa ng lalaki sa video. "Hindi kayo babalik sa kanila."
Inalis niya ang baril na nakatutok sa mga bata pero hindi pa rin nawala ang kaba sa aking dibdib.
Hanggang doon lang ang video kaya labis ang pag aalala ko sa mga oras na ito, habang si Keith ay umiigting ang panga nung may mabasang text sa kanya.
"Keith ang mga anak natin.." sa muling pagkakataon ay kumapit ako sa kanyang braso.
"Tulungan mo sila parang awa mo na."
He intertwined his fingers onto mine.
"You don't need to beg," He kissed the back of my hand.
"Hahanapin ko ang mga anak natin at sisiguraduhin kong ligtas sila," sambit niya at hinawakan ang tuktok ng ulo ko.
Umiiyak akong tumango sa kanya bago niya ako yakapin. "Ipapa-locate ko kung nasaan ang mga bata."
"Matutulungan tayo ng organizacion para maligtas sila,"
"Gusto kong sumama." Sabi ko sa kanya.
"Hindi pwede. Ako na ang bahala sa mga anak natin," sagot niya sa sinabi ko.
"Mas hindi ako mapapakali kung mag aantay lang ako rito,"
Hinawakan niya ang kamay ko. "Sabagay mas magiging panatag ako kung malapit ka sa akin."
Tinawagan ni Keith ang mga kaibigan niya at sa bahay kami ni Zach pumunta para roon nila pag usapan ang plano.
Gabi na nung makarating kami kila Zach dahil sa traffic.
Sunod sunod na dumating ang mga kaibigan niya at nung kumpleto na ay nagsimula na sila sa plano.
"Na-check niyo na ba ang cctv ng schools at yung sa mga katabi?" seryosong tanong ni Logan.
Ibang iba siya ngayon sa side niyang mapagbiro, "Si Claude tatawagan ko para makatulong sa CCTV at panghahack ng email na ginamit para ipadala yung videos ng mga bata."
"Natawagan ko na siya at saka na-send ko na sa kanya yung details." Si Mizuki.
"Nakita ba raw ng guard yung itsura nung sumundo sa mga bata?" tanong sa akin ni Zach.
"Hindi raw niya matandaan."
Sobra na akong nag alala sa mga anak ko, dahil hindi ma-locate locate kung nasaan ang mga bata.
"Paiba iba raw ng position sabi ni Claude," sambit ni Logan.
"Nasa bandang Pasay sila kanina pero ngayon daw nasa Paranaque na." dagdag niya pa sa sinabi.
Umigting ang panga ni Keith sa narinig, "P're pasabi naman pakibilisan yung mga anak namin ni Flare baka ano ng nangyari."
"Ginagawan na ng paraan," sagot sa kanya ni Logan.
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
General FictionFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...