Ganda ng one piece live action grabe infinity/100 ang atake.
Warning: Contains sensitive topics.
Kabanata 3
Mula nung makita ako ni Doña Selena na lumabas ako sa kwarto ng anak ay hindi na ako nito pinansin.
Isang linggo ng dumadaan daan lang sa akin si Keith. Ni hindi niya na rin ako inuutusan sa totoo lang ang gulo niya talaga.
Nakaraan sabay na kaming tumutugtog ng may ngiti sa labi pero ngayon ay parang wala lang ako sa kanya.
"Ang lungkot mo yata, Flare?" tanong ni Ate Cecil.
Umiling ako sa kanya, "May iniisip lang po ako ate."
"May iuutos po ba kayo?" marahang tanong ko.
"Pwede bang ikaw muna ang maghugas ng mga kinainan?"
"Okay po." tanging sagot ko.
Gabi na at ako na lang ang tanging gising ngayon dahil maghuhugas pa ako ng mga kinainan.
"Ang lakas pala ng ulan," sambit ko.
Dinig na dinig ang malakas na kulog at ulan mula sa labas, habang naghuhugas ay nanginginig ako.
"Kalma, Flare."
Naalala ko kasi yung iniwan ako nila Sandy at Joy sa gitna ng kakahuyan habang umuulan ng malakas. Takot na takot ako nung araw na iyon at hanggang ngayon kapag uulan ng malakas ay nanginginig ako.
"Papa!" napatalon ako nung kumulog ng malakas.
Nung matapos na akong maghugas ay sumiksik ako sa gilid dala ng matinding takot.
"Sir Keith.." banggit ko sa pangalan niya nung maramdaman ko ang kanyang yakap.
"You're trembling," He told me.
"Baka po mapagalitan kayo kapag nakita tayo." saad ko pa.
Hindi siya sumagot sa akin sa halip ay pinakalma niya muna ako. Yakap yakap niya ako at sobrang bilis ng tibok nang aking puso sa mga oras na ito.
"Sorry kung iniwasan na naman kita hayaan mo sa susunod hindi na iyon mauulit," bulong niya sa akin na siyang nagpatulo ng luha sa aking mata.
He brushed my tears using his fingers.
"T--thank you.."
Huminto na ang ulan at magkaharap na kami ngayon dito sa kusina.
"Paano niyo po nalaman na nandito ako?" tanong ko.
"I follow my guts, and I saw you here; you're scared of rain," he said.
I nodded at him, "I have ombrophobia."
"What? Bakit ka nagkaroon ng gano'n?" tanong niya.
"Nung bata kasi ako naiwan akong mag isa sa gitna ng kakahuyan tapos sobrang lakas ng ulan no'n."
Bakas ang pag alala sa kanyang mga mata, "Nilalabanan ko naman yun kaso ngayon hindi ko ata kinaya," dagdag ko pa.
Magkatabi na kami ngayon habang nakaupo sa lapag.
"Mukhang galing ka sa trabaho, Sir." panimula ko ngayon ko lang kasi napansin ang suot niya.
Nakasuot siya ng itim na slacks at kulay asul na long sleeves na nakatupi hanggang sa kanyang siko. May suot din siyang mamahaling relo.
"Yes, galing ako sa work. May project kasi na ako ang architect."
"Congrats po," tanging sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
Ficción GeneralFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...