Kabanata 21

71.3K 947 292
                                    

Warning: Mention of mental health disorders such as eating disorder and major depressive disorder. Please read with awareness.

Kabanata 21

Nakabili sila Mother ng mas malaking lupa sa Manila, kaya naman matapos ang ilang taon ay babalik na ako roon kasama ang tatlo kong anak.

"Saan po tayo magpunta, Nanay?" tanong ni Symphony.

"Sa Manila po,"

Tulog ang dalawa niyang kapatid habang siya ay nagdadaldal sa tabi ko. Kung anu ano na lang yung mga tinatanong sa akin ng anak ko.

"Nanay," tawag na naman niya.

"Hmm?"

"Bakit po black yung kalabaw tapos po white yung baka?" tanong niya at parang sumakit ang ulo ko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kasama namin dito sa loob ng sinasakyan namin, dahil sa tanong ng anak kong babae.

"Tulog ka muna anak malayo pa ang biyahe natin," sabi ko na lang.

Pagkarating sa Manila ay sila Davina agad ang pinuntahan ko at nalaman ko ang lagay ng matalik kong kaibigan. He was diagnosed with major depressive disorder because he was abused and scammed from abroad.

"Flare," agad akong niyakap ng kanyang Nanay. "Saan ka nanggaling? Hindi kita ma-contact,"

"Sa Pangasinan po."

"Tinanong ko kay Sally kung nasaan ka. Ang sabi niya sa akin umalis ka raw ng walang paalam," sabi niya pa.

Nagngitngit ang ngipin ko dala ng matinding galit. Napakasinungaling talaga ng babaeng iyon at nagawa niya pang baliktarin ako.

"Pinalayas po ako sa amin," sabi ko.

"Ano? Bakit niya ginawa yun sayo?"

"Nabuntis po kasi ako," pag amin ko.

Mas lalong bumalatay ang gulat sa kanyang mukha, "Ano?! Buntis ka nung pinalayas ka ni Sally?"

Tumango ako sa kanya kung noon ay umiiyak ako dahil sa nangyari sa akin. Ngayon ay hindi na sawang sawa na akong maging mahina.

"Grabe naman si Sally," sabi niya na lang. "Nasaan ang anak mo?"

"Nasa Shelter po sila," nakangiting sagot ko.

"Ha? Sila?"

"Triplets po ang anak ko tita," sabi ko sa kanya.

Nag usap pa kami at nalaman ko na ilang taon ginamot ang sakit ng matalik kong kaibigan. Ilang buwan daw siyang pinasok sa mental hospital dahil sa sitwasyon niya.

"Nasaan po si Davina?" tanong ko na.

"Nasa probinsya pa anak. Ibibigay ko na lang sa kanya yung contact number mo," sabi niya pa.

Nakipagkwentuhan at kumustahan ako sa Nanay ng bestfriend ko. Nung bandang hapon na ay dumiretso na ako sa Ospital para sa OJT ko.

Pag uwi ko sa Shelter ay agad sumalubong sa akin ang apat na taong gulang kong mga anak. Si Symphony ay tumitili tili pa habang ang mga kuya niya ay tahimik lamang.

"Anak. Baka sumakit ang lalamunan mo." Nag aalala kong sabi.

"Sorry nanay. Nag excited lang po ako na makita ka," masaya niyang sabi.

Lumuhod ako at isa isang niyakap ang mga anak ko. "Kumusta kayo mga anak ko?"

"Okay lang po," si Cadence.

"Okay lang po kami Nanay," si Lyric naman ang sumagot.

"Ako po medyo okay lang," natawa na naman ako sa sinabi ng anak kong babae.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon