Enjoy reading and expect errors here.
Kabanata 27
I couldn't speak when I saw his announcement on National TV. He looks so proud after saying those words.
"Can you share the names of your kids and the lucky girl? "The host asked him.
"As much as I want to," he said. "I need to hide their identity to protect them."
That's right, he was just protecting us from the media, but what gives him the urge to do that one? I never talked about that matter with him.
Mula noon talaga mixed signals na si Keith, hindi mo matatansya kung ano ba talaga yung ugali na meron siya.
Pinatay ko na lang ang TV para makalabas at tingnan ang mga anak kong nakikipaglaro sa mga kapitbahay.
"Hala ang daya mo naman!" rinig kong sabi ni Symphony.
"Ibalik mo yung pogs ko," iyak niya.
"Ayoko nga ble-?" hindi natapos ang sasabihin ng bata dahil tinulak na agad siya ni Lyric.
Nagmamadali naman akong lumapit sa mga bata para awatin sila sa kanilang pag aaway.
"Bakit mo inaaway si Symphony ha?" maangas na tanong ni Cadence.
"Nanay!" lumapit agad sa akin si Symphony.
Nagsumbong siya agad sa akin at nakinig naman ako sa kanya. Matapos kong makinig sa sinabi ng anak ay pinatayo ko ang batang tinulak ni Lyric.
"Bad po ang nag aaway." Malambing kong sabi sa mga bata.
Pinagbati ko sila at pinag usapan ng maayos. Nag sorry naman ang bata sa anak kong babae at nag sorry na din si Lyric at Cadence sa kanya.
Pinanood ko na lang na maglaro ang mga anak ko sa labas.
"Nagabenta ako pogs," rinig kong sabi ni Symphony.
"Magkano?" tanong ng bata sa kanya.
"Ahm?" saglit pang nag isip si Symphony.
"Dos isa na lang."
Pumayag naman ang bata sa alok ng anak ko at nasapo ko na lang ang mukha nung kalabanin ni Symphony ang batang bumili sa kanya.
"Mga anak pasok na tayo," aya ko sa kanila.
Pagpasok namin sa loob ng apartment ay agad kong pinunasan ang pawis ng mga anak ko.
"Nagugutom na ba kayo?" malambing kong tanong sa kanila.
"Opo!" sabay sabay nilang sagot sa akin.
"Sige gagawa si nanay ng sandwich tapos magtitimpla ako ng juice."
Egg sandwich at Orange juice ang pina-merienda ko sa mga anak ko. Iniisip ko kung ano ba ang nag udyok kay Keith na sabihin ang tungkol sa pagiging ama niya.
He's a vocalist, and I'm sure his fans will leave, but there are probably a few who will stay.
"Asan na kaya si tatay 'noh?" tanong ni Symphony.
Kumakain na sila ng merienda ngayon at ako naman ay kausap si Natasha.
"Baka nagwowork pa siya." Sagot ni Lyric sa kanya.
"Sana may pasalubong siya sa atin mamaya pag punta niya rito," sabi naman ni Cadence sa mga kapatid.
Nakangiti akong pinagmamasdan sila habang nag uusap. Unti unti na talagang napapalapit si Lyric at Cadence sa ama nila.
Hindi kami ayos ni Keith pero ayoko naman lumaki ang mga bata na may galit sa puso at hindi ko rin sila na pilitin na gustuhin ang tatay nila.
Gusto ko maging malaya sila sa kanilang nararamdaman pero bilang isang ina ay trabaho ko na ituro kung ano ba ang tama sa mali.
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
Ficción GeneralFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...