Kabanata 18

62.8K 821 78
                                    

Kabanata 18

I passed the acceleration exam for my high school diploma, and most of all, I passed the entrance exam at one of the universities here in Pangasinan.

"Congratulations, Flare." Bati sa akin nila Sister.

"Thank you po kung hindi dahil sa inyo hindi ko magagawa iyon."

"Valedictorian ka rin pala nung nasa elementarya ka," sabi pa sa akin.

Nakangiti akong tumango sa kanila. Nasa walker ngayon ang tatlo kong anak habang may kinakain silang biscuit.

"Symphony anak. Bakit mo naman inagaw ang biscuit ng Kuya Lyric mo?" tanong ko sa anak kong babae.

Bigla kasing umiyak si Lyric at nagsunuran na ang dalawa niya pang kapatid. Napailing na lang ako bago sila patahanin.

"Ayan may biscuit na ulit ang mga baby ko." sabi ko sa kanila.

"Ay? Bibigyan niyo si Nanay?" nakangiti kong tanong.

Sabay sabay kasi nilang nilapit sa bibig ko ang biscuit na hawak nila. "Thank you mga anak ko."

"Ang ggwapo at ang ganda ng triplets mo Flare," si Sister.

"Salamat po."

Mahal na mahal ko ang mga anak ko at sising sisi ako na nagawa ko pa silang saktan at pabayaan. Nakipag usap pa ako nina Sister tungkol sa pag aaral ko at nung natapos na ay umakyat na kami sa kwarto ng mga anak ko.

Kinakantahan ko sila habang nakaupo sila sa stoller, tuwang tuwa ako nung marinig na parang sumabay pa sila sa akin sa pagkanta.

"Magandang araw sa inyo ng mga anak mo Flare," bati sa amin ni Shaina.

Agad naman akong ngumiti sa kanya "Magandang araw din sayo ng anak mo,"

Ang ayos talaga ng buhay dito sa Shelter dahil ang bait nila Sister, tapos may mga donations pa na dumadating para sa shelter.

"Mama! Mama!" tawag sa akin ni Cadence.

Agad naman siyang sinundan ng mga kapatid niya. "Oh? Bakit mga anak ko?" Isa isa kong hinaplos ang kanilang mukha, Isa isa ko silang tinitigan at habang lumalaki ang dalawa kong anak na lalaki ay lalo silang nagiging kamukha ng kanilang tatay.

"My fan girl,"

'Let me sing a song for you, babe."

"Babe, may MCDO ako na binili para sa'yo,"

"I love you so much."

I shook my head when I remember him. Inaalis ko na si Keith sa sistema ko pero may mga araw na naalala ko pa rin siya. Paano ko siya makakalimutan kaagad kung kamukhang kamukha niya ang dalawang anak namin?

Minsan nga naiisip ko na lugi ako. Ako ang nagdala sa triplets tapos isa lang yung kamukha ko sa mga anak namin. Nakipaglaro ako sa mga anak ko sa loob ng kwarto, sobrang lambing nilang tatlo kaya ang gaan gaan ng araw ko

I was talking to my three children. They were sitting in front of me while they were looking at me softly.

"Gusto niyo bang kumanta si Nanay?" marahan kong tanong.

Agad namang silang ngumiti sa akin na sobrang kinatuwa ko. Agad ko namang sinimulan ang pagkanta sa harapan nila.

"You are my sunshine. My only sunshine." I locked gazes with my beautiful triplets.

They were giggling while I was singing confidently. Ever since I saw how fond they are of my voice, my confidence when it comes to singing back went back.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon