Omg last 5 chapters na lang. Salamat po sa mga nag aabang at nag aantay sa update ko.
Enjoy reading. 😘
Kabanata 25
"Flare, i-try mo kayang mag cover ng mga kanta tapos i-upload mo sa internet." Suhestyon ni Nikki sa akin.
"Ha? Para saan naman?" taka kong tanong.
Wala namang dahilan para mag upload ako sa internet at saka wala rin akong panahon doon.
"Malay mo kumita ka," sabi naman ni Chris sa akin.
Nasa canteen kami ng University para mag antay sa susunod naming subject ng bigla nilang i-open sa akin ang tungkol roon.
"Ha? Kumita?" taka kong tanong.
"Sa youtube kasi pwede kang kumita ng pera sa pamamagitan ng pag upload ng videos at monetization," simula ni Nikki.
"Paano naman iyon?"
Nagsimula silang ipaliwanag sa akin ang tungkol sa paano kumikita ang mga tao gamit ang social media.
"Pag iisipan ko ha? Nahihiya pa kasi talaga 'ko eh."
"Ikaw bahala pero sayang kasi yung talento mo," sabi ni Chris sa akin.
Araw araw nila akong pinipilit tungkol doon at ako naman ay araw araw iyong pinag iisipan. May sahod naman ako sa pagttrabaho bilang isang fastfood crew, pero habang lumalaki ang mga anak ko ay mas lumalaki na ang gagastusin nila.
Ilang linggo kong pinag isipan ang tungkol doon at nung nagkaroon na ako ng lakas nang loob ay tinulungan ako ni Chris at Nikki.
"Ito gamitin mong camera para mag record at saka kung ayaw mong makita yung mukha mo pwede namang gitara mo lang ang makikita."
Nagsimula akong mag record at ang una kong nagawa ay instrumental ng isang Disney song. Nung una ay iilan lang ang views at sobrang saya ko na roon hanggang sa dumami nang dumami.
"Mga anak tulog na po kayo ha?" sabi ko sa mga anak ko.
Kinantahan ko muna ang tatlo kong anak para makatulog na sila at nung mapatulog na ay pumwesto na ako.
Hawak ko ang gitara habang may camera sa harapan ko. Nagsimula na akong kumanta habang naggigitra, damang dama ko ang saliw ng musika mula sa aking boses at tunog ng gitara.
Hindi ako makapaniwala na si Keith ang isa sa tagasubaybay ko sa youtube account, hanggang ngayon ay hindi ko pinapakita sa internet kung sino ang mukha sa boses na iyon.
"Aalis na pala 'ko," sabi niya sa amin.
Tumango lang ako sa kanya saka mas tinuon ang pansin sa mga bata. Isa isa niyang niyakap ang mga anak ko bago siya umalis.
"Bukas po tatay babalik kayo?" tanong ni Symphony.
"Opo," malambing na sagot ni Keith.
"Anong gusto niyo mga anak?"
Si Symphony lang ang sumagot sa kanilang magkakapatid, kaya ako na ang nagtanong sa dalawa kong anak na lalaki.
"Ano raw gusto niyo mga anak?"
"Gusto po namin kagaya na lang kay Symphony," sagot ni Lyric sa akin.
Si Cadence ay nanatiling tahimik lang, saglit pa silang kinausap ng kanilang ama at nagsabi ito na bukas pa siya ng gabi makikita nang mga bata.
Kinabukasan ay maaga ako akong gumayak dahil ako ang maghahatid sa mga anak ko sa eskwelahan nila.
"Nanay, bakit po nila inaabot sa atin ang bayad wala ba silang paa at kamay?" nanlaki ang mata ko sa tanong ng anak kong babae.
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
General FictionFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...