Warning: R18
Kabanata 14
Dahil sa paglantad ng katotohanan ay nagtalo si Papa at Tiya Sally na agad kong inawat.
"Nagsumbong ka ba Flare ha!?" sigaw ni Tiya Sally.
Agad akong umiling sa kanyang sinabi, "Sinungaling.." sabi niya pa.
"Narinig ko sa kapit b--bahay Sally! Oo, k--kapag nagpapa araw ako ay naririnig ko ang chismis na kesyo s--sarili k--kong anak ay hindi ko na napatapos," tuluyan na akong umiyak sa harapan nila.
Utal pa rin si Papa sa pagsasalita pero kitang kita ko ang halu halong emosyon sa kanya. Galit, lungkot, at dismayado ang siyang nakikita ko. Dahil sa ingay ay bigla ko na lang narinig ang malakas na pagpalahaw ng kapatid ko.
"Si Melody.."
Papunta na sana ako pero pinigilan ako ni Tiya Sally. Naiwan kaming dalawa ni Papa ngayon.
"Papa..." garalgal kong tawag sa kanya.
Nakatungkod pa rin siya hanggang ngayon at hirap pa rin sa pagsasalita pero mas okay na ang lagay niya ngayon.
"Ba--bakit hindi ka nagsa---sabi sa akin?"
Umiyak lang ako sa harapan niya. "Sorry po kung hindi ako nagsabi ng totoo."
Nalaman na ni Papa ang katotohanan na hindi ako pinag aral ng kanyang asawa. Sinabi ko kay Papa ang dahilan at umiyak lang siya.
"A--anak napakabuti mong bata.."
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Sorry po kung nagsinungaling ako. Pinili kong sarilihin iyon dahil ayaw ko pong maapektuhan ang pamilya ninyo lalong lalo na si Melody."
"Pamilya ka n--namin a--anak," sabi pa niya.
"Oo pero hindi nila ako tinuring bilang isang pamilya," Mga salitang gusto kong sabihin kay Papa kaso mas pinili kong huwag na lang.
Pinapunta ko si Papa kay Melody dahil kailangan siya nito. Habang nag aayos ng gamit pabalik sa mansion ay lumapit sa akin si Joy at Sandy.
"Sumbungera ka Flare!" galit na sabi ni Joy.
"Hindi ako nagsumbong."
Umirap siya sa akin. "Huwag mo na nga kaming paandaran sa bait baitan mo na 'yan?"
"Oo nga! Umamin ka na kasi na sinadya mo talaga iyon!" si Sandy naman ang nagsalita.
Marahas na lang ako napabuntong hininga dahil sa mga sinasabi nila. "Nag aaral kayo diba?" tanong ko.
"Oo, hindi kagaya mo walang pinag aralan," sabi ni Joy at nagtawanan silang parehas.
"Yun naman pala eh may pinag aralan kayo pero bakit hindi niyo gamitin ang utak ninyo at wala kayong respeto?"
Kita ko ang panlalaki ng kanilang mata. "Sayang naman yung pagpapa aral sa inyo kung wala kayong modo,"
Magsasalita pa sana ang isa sa kanila pero lumabas na si Papa na kasama si Melody at Tiya Sally.
Mahinhin lang ako pero marunong din akong lumaban kapag sobra sobra na. Yun kasi ang turo sa akin ng bestfriend ko na si Davina dapat daw ay lalaban ako.
Nalaman na ni Papa ang katotohanan maski sa trabaho gusto niya na sana akong patigilin pero hindi ako pumayag.
"Mababait po ang mga Monasterio," sabi ko pa.
"Ako na lang ang magtatrabaho ulit anak," tugon niya pa. "P--pasensya ka na anak ha?"
Ngumiti ako sa kanya, "Ayos lang po at saka kaya ko 'to. Ipahinga niyo na lang yung katawan ninyo diba sabi ng doktor na bawal kayong mapagod?"
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
Fiksi UmumFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...