Warning: Raising awareness for women who experienced or are experiencing PPD, or postpartum depression. Please read with awareness and understanding.
Kabanata 17
"Maraming Salamat po," sabi ko sa mga kumuha sa akin.
Nasa loob na ako ng isang van at malinis na rin ako sa mga oras na ito. Hindi ko aakalain na may tutulong sa kalagayan namin ng mga anak ko.
"Walang anuman ija," sagot ni Sister Amanda sa akin.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong pa ng isa sa kanila.
"Opo.."
Napailing sila sa sinabi kong iyon. "B—bakit po?"
"Alam naming hindi ka okay. Baka may nararamdaman ka dyan," tugon pa ni Sister sa akin.
"Masakit po ang hita at likod ko," mahinahon kong sabi.
Ang bigat na kasi talaga ng tiyan ko tapos isama pa na wala akong maayos na natutulugan. Mabuti nga't malalakas ang mga anak ko. Nagitla ako nung hilutin nila Sister ang hita at likod ko habang nasa van kami.
Nagpasalamat ako sa kanilang muli. Umaga na kami nakarating sa Pangasinan dahil sa traffic. Binigyan nila ako ng komportableng damit.
"Matulog ka na muna Flare. Kailangan mo ng sapat na tulog," sabi sa akin ni Sister.
Nung mahiga na ako sa kama ay agad tumulo ang luha ko, "Mga anak may foam na tayo oh?" Hindi na tayo sa karton matutulog."
Sa sobrang pagod at sakit ng katawan ay ilang oras akong tulog. Pagkagising ko ay agad kong kinausap ang mga anak ko.
"Ay? Sumipa," masaya kong sabi.
Sumisipa na talaga sila sa tiyan ko nakaraan pa kaya nakakaramdam ako ng sakit na sadyang tinitiis ko lang.
"May maayos na tayong tirahan mga anak. Salamat kasi kumapit kayo kay Nanay kahit na hirap na hirap na ako,"
Muli na naman silang sumipa kaya naman napangiti ako habang may luha sa mata. Kausap ko ang mga anak ko ng biglang pumasok ang isa sa mga madre.
"Magandang hapon po," bati ko sa kanya.
"Magandang hapon din sa'yo. Kumusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay na po," sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at napatingin siya sa tiyan ko. "Halika sa baba at pinaghanda ka namin ng makakain."
"Bumili kami ng mga prutas at gulay para sa'yo Flare." Sabi ni Sister sa akin.
"Maraming Salamat po at nag abala pa talaga kayo para sa amin ng mga anak ko," nahihiya kong sabi.
Lumapit ang isa sa kanila sa akin at pinaupo ako. "Kain ka na at kailangan niyo ng sustansya." Kapag may kailangan ka huwag kang mahihiyang lumapit sa amin ha?"
Takam na takam ako habang kumakain ng mga prutas at masasarap na pagkain. Sa apat na buwan sa kalsada ay tipid na tipid ako sa kinakain ko.
Madalas sabaw lang o kaya'y kapag gabi ay mag aabang ako kung may magtatapon ng MCDO sa basurahan. Isa iyon sa pinaglihian ko sa mga anak ko wala naman akong sapat na pera para makabili kaya ganon na lang ang ginagawa ko.
"Masarap ba?" tanong sa akin.
"Opo."
Hinaplos ni Sister ang buhok ko, "Kain ka lang dyan ha?" tumango lang ako sa kanya.
Mabigat na rin talaga ang tiyan ko kaya hirap na hirap na akong maglakad. "May bago na tayong bahay mga anak." sabi ko sa kanila.
Kinausap ako ng mga Madre ng masinsinan sa loob ng kanilang Opisina. Isa pala itong shelter para sa mga kababaihang biktima at mga nanay na walang nag aalaga.
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
Ficção GeralFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...