Kabanata 22

72.6K 1.2K 266
                                    

Thank you sa mga nag aabang sa updates ko here. 

Kabanata 22

Pagdating sa Shelter ay agad kumawala ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang galing galing niyang umakto sa harapan ko na parang wala lang nangyari.

"Nanay?" si Symphony.

Nakatayo siya sa bandang pintuan at may hawak na teddy bear. Agad kong inayos ang sarili bago lumapit sa anak kong nakatingin lang sa akin.

"Bakit nandito ka anak?" malambing kong tanong.

"Nag aantay po ako sayo, kanina kasama ko sila kuya pero nag alis na sila kasi maglalaro daw ulit sila." Hinihingal niyang sabi sa akin.

Napatawa ako sa anak kong babae, "Anak huminga ka naman." Sabi ko na agad naman niyang sumunod.

"Ayan na po naghinga na ako," cute niyang sabi.

Kahit pagod ay binuhat ko pa ang anak ko. Pumasok na kami sa loob at napangiti ako nung makita ang dalawa ko pang anak na lalaki.

"Nanay!" sabay nilang sabi.

"Buhat din po ako nanay," sabi ni Lyric sa akin.

"Ako rin po." Sunod namang sabi ni Cadence.

Pinababa ko muna ang anak kong babae bago isa isang buhati si Lyric at Cadence. Ang bibigat na talaga ng mga anak ko.

Inaya ko na rin silang pumasok na sa kwarto pero bago iyon ay dumaan muna kami kina Mother para bumati.

"Magandang gabi po," bati ko sa kanila.

"Magandang gabi din sayo anak. Wala kang pasok ngayon sa trabaho?" tanong sa akin ni Mother.

Umiling ako sa kanya dapat may pasok ako ngayon, pero sinabi ko sa kasama ko na urgent leave ako dahil sumama ang pakiramdam ko.

Mabuti nga at pumayag siya sa pakiusap kong iyon, pero sa susunod na araw ako naman ang papalit sa kanya para mag duty.

Tahimik lang ako habang inaasikaso ang mga anak ko. Isa isa ko silang nilinis at pinalitan nang pantulog, pawis na pawis kasi sila mula sa paglalaro.

"Ang mga ibon na lumilipad ay mahal ng diyos," kanta ni Symphony.

"Ay? Hala edi hindi love ni Papa God ang mga Ostrich?"

Nanlaki naman ang mata ko sa kanyang sinabi, "Ha? Ano?"

"Kasi po nanay tinuro sa amin nila Sister mga animals tapos po sabi yung Ostrich bird din,"

Nakangiti ako habang nakikinig sa anak kong babae, "Tapos po?"

"Eh hindi naman sila lumilipad ibig sabihin ba hindi sila love?" nanlalaking mata na sabi niya.

"Ikaw talaga Symphony," sabi ni Lyric.

"Bakit? Ha?" taray ng anak kong babae. "Kaya nga ako nagatanong kasi di ko alam eh."

Agad ko naman silang sinuway ang dalawa kong anak, habang si Cadence ay tahimik lang na nakamasid sa amin.

"Hindi naman kayo dapat nag aaway," biglang sabi niya.

"Tama si Cadence mga anak ko at lahat tayo ay love ni Papa God." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Iba iba man tayo ng itsura o kalagayan mahal niya tayong lahat."

Bata pa ang mga anak ko, pero habang maaga ay tinuturuan ko na sila sa mabubuting bagay. Bago matulog ay kinantahan ko muna sila habang tumutugtog din ako ng gitara.

"Sa Sunday po Nanay may church ulit?" tanong ni Lyric sa akin.

"Opo."

"Excited na po kami kasi mag play na naman kami ng instruments," sabat naman ni Symphony.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon