Kabanata 23

78.7K 1K 226
                                    

Lah? Lapit ng matapos. Anyways, enjoy reading guys.

Warning: Mention of Suicide viewer discretion is advised.

Kabanata 23

Agad nagsigawan ang mga kaibigan ko nung makita namin ang resulta ng exam. Ako ang top 1 at hindi ako makapaniwala.

"Flare," niyakap ako ni Nikki. "Congratulations."

"T-thank you," I sobbed.

All of my hard work were paid off. I burst into cry but now it was because of too much happiness.

"Hala? Bakit nag iiyak ang Nanay ko?" si Symphony na kakapasok lang.

Agad namang lumapit sa akin ang mga anak ko at kita ko ang pag alala sa kanilang mga mata.

"Nanay. May umaway po ba sa'yo?" tanong sa akin ni Lyric at agad akong umiling.

"Eh? Bakit ka po umiiyak?" si Cadence naman.

Pinunasan ko muna ang luha bago lumuhod sa harapan ng mga anak ko at yakapin sila. "Umiiyak po si Nanay, kasi masaya ako."

"Weh? Pwede ba yun? Umiiyak tapos masaya parang ang gulo po Nanay," kamot ulong sabi ni Symphony.

Nagtawanan kami ng mga kaibigan ko sa sinabi niya. Pinaliwanag ko sa mga anak ko ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

"Mas mabibilhan ko na kayo ng toys at MCDO," sabi ko sa mga anak ko. "Hindi na po tayo magtitipid."

Minsan ko lang kasi mabilhan ng laruan ang mga anak ko at ng paborito nilang pagkain sa MCDO dahil nagtitipid kami.

"Congratulations, Best!" si Davina. "Ang galing galing mo."

"Salamat."

I was belittled because of my educational attainment, but now, after years of suffering and crying, my hard work has now paid off. I am in the top 1 on the Psychometrician Licensure Examination.

Sa shelter ako nag celebrate kasama ang mga taong nagpadama sa amin ng mga anak ko ng salitang pagmamahal.

"Anak." Niyakap ako ni Mother. "Proud na proud kami sayo."

"Thank you po," sagot ko naman.'

"Congrats, Flare." Bati sa akin ni Sister Amanda.

Sunod sunod nila akong binati at nagpasalamat naman ako. Pinag ipunan ko talaga yung handa ko ngayon, pero nag ambag din sila para sa akin.

"Wow!" sabi ni Symphony nung ikabit na ang tarpaulin na may mukha ko. "Ang pretty naman ng nanay ko na 'yan oh!"

Sabay sabay kaming natawa sa sinabi ng anak kong babae, "Thank you anak kong daldalita."

Congratulations,

Flare Ashanie Adanza for passing the Psychometrician Licensure Examination.

Top 1- 95.68%

Ayun ang nakalagay sa tarpaulin at may picture ko na kung saan ay suot ko ang toga at matamios akong nakangiti sa camera.

"Nanay, ang ganda po ninyo." Sabi ni Lyric sa akin habang nakatingin sa tarpaulin na may mukha ko.

"Salamat anak ko," malambing kong sabi.

"Ganda po ikaw," si Cadence naman.

"Thank you, anak."

Sobrang saya ng naging selebrasyon ko kasama silang lahat. Sabay sabay kaming kumain sa hapag at nagkakatawanan na rin.

"Flare, picture-an namin kayo ng mga chikiting mo tapos dyan kayo pwesto banda sa tarpaulin." Suhestyon ni Shaina sa amin.

"Sa cellphone ko na lang," nakangiti kong sabi.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon