Kabanata 30

71.1K 999 98
                                    

Hello! This is the last chapter of Deception and Desire. Thank you so much for joining Flare and Keith in their story. Always remember that life is not a race and education has no age; you can reach your dreams even if you're in the last line. You can start your own journey on your own without hurting others in the process.

Please check on your loved ones always to see if they're okay or not. Mental health matters.

See you in Keith's POV

Kabanata 30

A lone tear escape from my eyes when  I heard his reasons behind that tattoo.

"Hindi ko na hahayaang maubos ang sarili ko dahil nandyan ka at ang mga anak natin."

He wiped my tears using his forefinger.

"I just want to say that I'm so proud of you." I told him.

He reached for my hand and butterflies filled my stomach when he kissed the back of it.

Matapos namin ni Keith sa pagddate ay nagdesisyon kaming umuwi sa mga bata.

Magkahawak kamay kami habang paakyat sa condo.

"Asikasuhin ko lang kayo ng mga bata, tapos uuwi rin ako kaagad," sabi niya sa akin.

"Pwede ka naman matulog kasama namin,"

"Talaga?" bakas ang saya sa kanyang boses at tumango ako.

Pagkarating sa unit ay nanay ni Davina ang sumalubong sa amin.

"Magandang gabi po tita," nagmano ako sa kanya at ganun din ang ginawa ni Keith.

"Magandang gabi rin sa inyo," nakangiti niyang tugon sa amin.

Bago umalis ang nanay ng kaibigan ko ay nag usap muna kami ng saglit tungkol sa mga bata.

"Salamat po sa pagbabantay," sabi ko pa.

Hinawakan niya ang kamay ko, "Walang anuman anak at saka masaya ako na unti unti ng naaayos yung pamilya ninyo."

Nagyakap pa kami ng saglit at nung aalis na siya ay inabot ko na ang bayad.

"Nanay!!" sabay sabay na sabi ng mga anak namin ni Keith sabay yakap sa binti ko.

"Kumusta na ang mga baby ni nanay at tatay?" malambing kong sabi.

"Okay lang po kami nila kuya nanay. Nag play kami ni tita Melody kanina po," natutuwa ako na bumabalik na ang pagiging madaldal ni Symphony.

"Weh? Hindi naman kami okay eh." nakangusong sabi ni Lyric habang si Cadence ay seryoso lamang.

Mahinang natawa si Keith sa sinabi ng anak, "Bakit naman hindi kayo okay?"

"Kasi po kanina ginawa kaming barbie ni Symphony. Iiyak daw siya kapag hindi niya kami inayusan," sumbong ni Cadence.

Napatingin ako kay Symphony na parang miss prim and proper na sa pag upo.

"Si Tita Melody po kasi tapos ko na ayusan eh. Edi sila kuya naman po," mahinang sabi niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Keith bago magsalita.

"Pumayag kayo mga anak kasi?" tanong niya sa mga anak na lalaki.

"Ayaw po naming ma-sad si Symphony." si Lyric ang sumagot.

Masaya ako nung narinig ko ang sagot ng dalawang bata. Hindi talaga nila hinahayaang maging malungkot ang kapatid nilang babae.

Tulad ng sinabi ni Keith ay siya ang nag asikaso sa amin ng mga bata bago matulog.

Habang nag aayos sa harapan ng salamin ay nakarinig ako ng tunog mula sa gitara.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon