Kabanata 24

81.6K 1K 153
                                    

Happy 18k! Thank you so much for your love. ❤️

Salamat sa mga nag aantay sa updates ko rito. Enjoy reading guys and expect some errors here. ❤️

Kabanata 24

Dahil sa narinig sa mga anak ay agad ko silang pinagsabihan.

"Saan niyo nakuha 'yan ha? Mag sorry kayo sa tatay ninyo." sabi ko sa kanila.

Hindi kami okay ni Keith pero hindi ko ittolerate yung ganitong ugali ng mga anak ko.

"Pero po nanay.." si Lyric.

Si Cadence ay tahimik lang pero umiiyak na.

"Mag sorry kayo mga anak," lumamlam na ang boses ko.

Nilapitan ko sila saka kinausap. "Hindi po maganda na mangutya ng iba mga anak."

"Ayaw ko sa kanya! Ayaw ko!" iyak ni Cadence.

"Ikaw Symphony sabi mo kampi ka sa amin diba? Bakit kakausap mo siya ngayon?" sabi naman ni Lyric.

Biglang humikbi si Symphony, "Bakit ha? Slight na tampo lang ako hindi ko naman kaya yung galit na marami eh."

"Ang hirap kaya ng utos niyo ni Kuya Cadence sa akin." umiiyak na sabi ni Symphony.

Sabay sabay na umiyak ang mga anak ko at si Keith ang nagpatahan sa kanila.

"Mga anak tatandaan niyo ha? Mahal na mahal kayo ni tatay," sabi ni Keith sa mga anak.

"Sorry mga anak k—kung wala si Tatay ng mahabang panahon sa tabi ninyo," sabi niya sa mga anak namin.

Si Cadence at Lyric ay walang emosyon sa mukha. Marahil ay nagtatampo talaga sila sa kanilang ama.

"Naiintindihan ni Tatay kung bakit ganyan kayo sa akin," dagdag niya pa sa sinabi. "Hayaan niyo hindi na ako aalis sa tabi ninyo. Palagi ko na kayong sasamahang apat,"

Nung sinabi niya iyon ay tumingin siya sa gawi ko kaya agad akong umiwas sa kanya. Nung kumalma na ang mga bata ay naghanda naman ako ng hapunan.

"Ayaw ko!" sabi ni Cadence nung susubuan siya ni Keith.

"Cadence anak nasa hapag tayo umayos ka dyan," striktang sabi ko.

"Oh? Sorry.." hinging paumanhin ni Keith sa anak.

"Tatay ako po subuan mo please," si Symphony.

Agad namang napangiti si Keith sa inakto ng anak na babae. "Sinubuan ako ng tatay ko kasi hindi ako galit ng marami."

I was the one who's feeding my two sons while he was the one who's feeding our daughter. Sa unang pagkakataon ay nagsabay sabay kami sa pag kain hindi ko naman pwedeng itaboy si Keith sa harapan ng mga bata.

"Magligpit na," sabi ko sa mga bata.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Keith nung sabay sabay na kumilos ang tatlo pagkatapos kumain.

"Tinuruan ko sila." Tanging sabi ko.

Gabi na umalis si Keith sa bahay at hinayaan ko lang siya. Ni hindi ko pinansin na nagpaalam siya sa akin, para lang naman sa mga bata kaya andito siya.

"Mga anak bakit niyo ba nasabi kanina iyon?" tanong ko kay Cadence at Lyric.

"Kasi po Nanay inaway ka niya," sabi ni Lyric. "Diba po? Kung hindi ka niya inaway edi sana kasama natin siya."

I bit my inner cheek when I heard my son's words. He's young, but he's aware of what's happening around him.

"Saka po sabi ng kalaro namin pangit daw po itatawag sa tatay na inaaway ang nanay," sabat naman ni Cadence.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon