Kabanata 26

71.3K 1K 142
                                    

Warning: Mention of eating disorder please read with awareness.

Happy 85k! Thank you much guys, mahal na mahal ko kayo. 💖

Kabanata 26

"Kaya pala minamahal ko yung boses, kasi mahal ko na talaga yung may ari ng boses," bulong niya sa tabi ko.

Tumingala ako sa kanya at nakita ko na puno ng admirasyon ang mga berde niyang mata habang nakatingin sa akin.

"Ang galing!!!"

"Ang ganda ng boses!"

"Grabe ang ganda ng blending nang boses ninyo,"

Naiwas ko ang tingin sa kanya nung marinig ang sinabi ng mga tao.

Nung bumaba na kami sa stage ay dumiretso na agad kami sa mga anak namin.

"Nanay! Tatay!" sabay sabay na sabi ng mga anak namin.

Isa isa naming niyakap ang mga bata at umupo na kami sa tabi nila.

"Go mga anak ko," pag cheer ko sa tatlo.

"Anak natin," he corrected me.

The kids are playing the calamansi relay together with their school mates. 

The program was so many blast and it ended very well.

"Sorry mga anak kung nahuli si tatay ah?" sabi ni Keith nung nasa kotse niya na kami.

"O--okay lang po," sabi ni Cadence.

"M--masaya po kami na nakarating kayo tatay," dugtong naman ni Lyric.

I saw happiness on Keith's eyes while listening to our sons.

"Yehey! Bati na ni Kuya Lyric at Kuya Cadence si tatay," masayang sabi ni Symphony.

"Hindi pa ah..." apila ni Cadence. "K--konti pa lang,"

Ginulo ni Keith ang buhok niya at malambing siyang nagsalita.

"Gagawin ni tatay ang lahat mga anak para sa inyo,"

Sama sama kaming kumain ng nabili naming pagkain sa Mcdonald's.

"Flare," tawag niya nung pumunta ako sa kusina.

"Hindi pa rin ako makapaniwala." dugtong niya sa sinabi.

"Ha?"

Nakatalikod ako sa kanya ngayon habang nakikipag usap.

"Na ikaw yung boses na palagi kong pinakikinggan, na ikaw yung boses na nagpapawala sa pagod ko."

"Paano kung hindi pala ako iyon?" tanong ko.

Yun ang tanong na pumasok sa isipan ko kaagad. Hindi niya nakikita ang mukha at hindi niya alam na ako yung kumakanta, pero parang nakakaramdam na siya ng espesyal.

"Are you trying to say that I'm going to like or love someone else?" He asked.

I decided to face him, "Bold of you to say that."

"Nakikinig ako sa kanta ng mga iba, pero kahit kailan hindi ko naramdaman yung ganito."

"Sabi ko pa nga. "Ang weird naman kasi parang pakiramdam ko kilala ko yung kumakanta." Tapos parang parehas yung pakiramdam ko sa boses na iyon at sa'yo."

I bit my inner cheeks while listening to his words.

"Isa lang ibig sabihin nun Flare. Mahal kita kahit saang paraan, makita man o marinig lang ikaw lang ang nasa puso ko."

Hindi ako makapagsalita sa harapan niya ng ilang segundo, pero nung mahanap ang boses ay muli na akong makapagsalita.

"Tapos na tayo Keith dapat binabaon mo na sa limot kung ano man 'yang nararamdaman mo." Umalis ako sa kusina at iniwan siya.

Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon