Last 10 chaps.
Warning: Mention of Depression/Major Depressive Disorder.
Kabanata 20
Napabinyagan ko yung mga anak ko at napaghandaan ang 2nd birthday nila gamit ang sariling pera na kinita ko bilang fastfood crew.
Bukod kay Nikki at Chris ay kinuha ko ring Ninang ang bestfriend kong si Davina, kahit na nawalan na kami ng komunikasyon sa isa't isa. Gusto ko siyang kausapin ulit pero limot ko na yung password sa mga accounts ko.
"Ang dami namang toys ng mga baby ni Nanay," malambing kong sabi sa mga anak ko.
Naglalaro silang tatlo sa lapag habang ako ay nakaupo lang at pinapanood sila.
"Nanay, play po!" aya sa akin ni Symphony.
Nakipaglaro ako sa tatlo kong anak ng may ngiti sa labi. Mas nagiging madaldal na rin sila habang lumalaki.
"Nanay, I'm two na po." pinakita pa sa akin ng anak kong babae ang tatlo niyang daliri.
Mahina akong natawa sa kacute-an niya bago binaba ang daliri niya, "Ayan po ang two."
"Two years old na ang mga baby ni Nanay," sabi ko pa.
Nakipaglaro ako sa mga anak ko buong araw sinusulit ko talaga yung mga oras kapag wala akong pasok sa eskwelahan at trabaho.
Being a mother at such a young age with no support system is so hard. I'm studying to reach my goal and working at the same time to feed my three babies.
Palagi akong pagod dahil sa doble o triple yung kilos ko araw araw. Ganun palagi ang nangyayari sa araw ko paulit ulit na nga eh.
Second year college na ako ng hindi ko namamalayan, dahil siguro ay mas pokus ako na matapos kaya hindi ko na rin napapansin.
Ang tatlo kong anak ay unti unti na ring lumalaki.
"Papasok na po ako," paalam ko kina Sister.
Suot ko ang school uniform sa university na pinapasukan ko at may dala pa akong mga folder.
"Symphone, Lyric, Cadence." Tawag ni Sister sa mga anak ko.
Agad naman akong nakarinig ng maliliit na yabag na palapit sa amin.
"Nanay!!" si Symphony na nakasuot ng snow white na terno.
Sa kanilang magkakapatid siya yung pinakamadaldal at sobrang bibo. Ang mga kuya niya kasi ay mga tahimik na bata.
"Anak, pawis ka na agad." Kumuha ako ng panyo para punasan ang anak ko.
"Nanay, pasok na po ikaw?"
Tumango ako sa kanya bago bumaling sa dalawa ko pang anak na lalaki.
"Nanay? School?" tanong naman ni Lyric sa akin.
"Opo."
Sunod naman na nagsalita ay si Cadence. "Nanay mamaya po uwi ikaw?"
"Opo mga anak," lumuhod ako para yakapin na sila.
Bago pumasok sa eskwelahan ay kinausap ko muna ang mga anak ko. Dalawang taon pa lang sila pero sinisikap ko na buksan ang isipan nila.
"Quiet!" sigaw ng professor namin.
Umingay kasi ang klase nung sinabi niyang may quiz kami kaagad.
"Anong year niyo na?" masungit niyang tanong sa amin.
Sabay sabay kaming sumagot ng mga kaklase ko. "Second year po."
"Ayun naman pala dapat naghahanda na kayo sa ganito palagi,"
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
Ficción GeneralFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...