Kabanata 6
"Para sa akin?" tanong ko habang nakaturo sa sarili.
Nandito kami sa isang toyshop hawak niya ang isang maliit na teddy bear at nakatapat na ito sa akin.
"Oo, para sa'yo."
Agad ko naman itong kinuha saka niyakap, "Salamat Sir." Nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Keith na lang sinabi ko na sa'yo yun diba?" sabi niya pa sa akin.
"Thank you, Keith."
Mabuti na lang walang masyadong tao dito sa toyshop kaya walang nakasaksi sa sitwasyon naming dalawa.
"May kapatid ka pala?" tanong niya habang nasa loob na kami ng sasakyan.
"Yes po." sagot ko naman sa kanya,
"How old is she?"
"6 years old."
"She has ADHD right?" He asked again, "How is she?"
Sumandal ako sa upuan bago muling magsalita. "Okay lang naman yung kapatid ko."
"Paano niyo nalaman na ganon ang lagay niya?" tanong niya sa akin.
"Napansin kasi namin na iba siya sa mga batang ka-edaran niya," panimula ko sa kwento. "Alam mo yun normal naman sa bata na maging makulit at mawalan ng atensyon sa isang bagay pero yung sa kapatid ko kasi sobra pa sa sobra."
"Ayun nagtataka talaga kami sa kanya na sobra yung pagka-hyper niya tapos nag decide kami na ipa-checkup siya sa isang espesyelista." Sabi ko pa sa kanya.
Pokus lang siya sa pagmamaneho para dama kong nakikinig talaga siya sa akin base sa ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha.
"Can I ask? Is it hard to handle someone like her?" He asked.
"Oo mahirap pero nasanay naman na ako sa kapatid kong iyon at saka mas kailangan niya yung iintindi sa kalagayan niya."
We we're talking like we've known each other for a long time. Paano ba ako umabot sa ganito? Noon lang ay nakatanaw ako sa kanya sa malayo o di kaya'y nakikinig lang sa mga kanta ng banda niya.
"Thank you sa pagsama sa akin, Flare." Sambit niya nung nasa mansion na kami.
"Salamat din po sa treat at sa teddy bear." Tugon ko naman sa kanya.
Magkaharap kami ngayon at muli na naman niyang hinawakan ang tuktok ng ulo ko sabay marahang ginulo ang aking buhok.
"Palagi mo na lang akong hinahawakan sa ulo," sabi ko pa sa kanya.
Mahina siyang tumawa sa harapan ko, "Lambot ng buhok mo eh."
Mabilis na kumalabog ang puso ko sa kanyang sinabi mabuti na lang ay medyo madilim na rito sa mansion kaya hindi niya mapapansin ang pamumula ng pisngi ko.
"Uhm? Good night Flare at saka salamat ulit sa pagsama sa akin."
"Walang anuman po."
Pagdiretso sa maid's quarter ay halos impit akong napatili dahil sa sobrang kilig. Yakap yakap ko pa ang teddy bear na binigay niya sa akin.
"I think I'm the luckiest fan girl." I told to myself.
Kinabukasan habang naglilinis ako ay lumapit sa akin si Keith nakasuot siya ng kulay puting dress shirt at itim na slacks.
"Papasok ka na po?" marahan kong tanong sa kanya.
"Yes."
"Ingat po." ngumiti ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
General FictionFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...