Warning: Mention of Suicide, Depression, and R18. Read at your own risk.
Kabanata 15
"Nilagay mo yung picture ko sa wallet mo. Para saan naman?" tanong ko.
Pinakita niya kasi sa akin ang wallet niyang may picture ko sa harapan. "Inspirasyon."
"Ha?"
He caressed my hair before speaking, "Yes babe! You're my inspiration."
"Am I?" I asked softly and he nodded.
"You are. I will do everything for us."
Magkasama kami ngayon dito sa loob ng kanyang kwarto. Umalis kasi ang mga Monasterio kaya nakahanap ako ng tyempo.
"Mag iisang taon ka na pala rito 'noh?" bigla niyang sabi.
Napatango ako sa kanyang sinabi. "Ang bilis nga eh parang dati lang sinungitan mo pa 'ko."
Kapag naalala ko talaga yung mga araw na sinusungitan niya ako tapos mixed signals siya sa akin gusto ko siyang kurutin.
"Naalala mo pa rin babe?" nanlalaking mata na sabi niya.
"Oo naman. Tanda ko kaya noon nung mga unang araw at linggo ko rito napakasungit mo sabay babait."
Mahina siyang natawa sa akin bago muling guluhin ang buhok ko. "Sorry po."
Kumakain at nag uusap kaming dalawa sa tagal na naming ginagawa ang pagtatago ay wala pa ring nakakahuli sa amin. Siguro ay umaayon talaga sa amin ni Keith ang tadhana at pagkakataon kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ang sa amin.
"Babe? Naisip ko lang gusto mo bang magsulat ng kanta?"
"Oo naman! Isa iyon sa pangarap ko eh," natutuwa kong sabi.
"Okay. Gawa tayo ng kanta magtulungan tayo sa lyrics tapos sa tono,"
Binigyan ko din siya ng ponytail at gusto kong gamitin niya ito panali sa kanyang buhok.
Naging busy si Keith sa sumunod na araw dahil sa kumpanya nila. Magmula nung pinatigil ang sa engagement ay nasubsob naman siya sa trabaho.
Ang banda nila ay minsanan na lang rin magkaroon ng gig o kaya'y concert dahil nga may problema ngayon ang record studio nila.
"Pansin niyo ba na parang subsob na lalo si Sir Keith sa trabaho?" Usisa ni Ate Mela.
Sabay sabay silang nagtanguan sa sinabi niya. "Mukhang maraming pinapagawa sa kanya ang Daddy niya."
Breaktime namin ngayon kaya narito kami at magkakasama kami ngayon. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila.
"Flare, diba close kayo ni Sir Keith?" binundol ako ng kaba sa tanong ni Ate Cecil.
"Hindi po. Madalas niya lang talaga akong utusan." Pagsisinungaling ko.
Napatingin ako kay Ate Mela at ang sinasabi ng kanyang mga mata ay kumalma ako sa mga sitwasyon na ito.
"Ate, hindi mo ba talaga sinabi sa kanila ang tungkol sa amin ni Keith?" nilapitan ko na siya.
"Syempre naman hindi!" natawa pa siya. "Bakit mo naman naitanong?"
"Kasi po ate kanina tinanong nila sa akin kung close ba kami. Baka po kasi nakakahalata na sila o nalaman na nila."
Tumingin ako sa kanya ng alanganin. "Flare naman edi sana nung una sinumbong ko na kayo."
"Sorry ate nag aalala lang talaga ako. Alam mo naman na ayaw naming ipaalam sa lahat dahil sa sitwasyon."
Tumango siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang mag alala wala talaga akong pinagsabihan o pagsasabihan ng tungkol sa inyo."
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
Fiksi UmumFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...