Warning: Mention of Bipolar disorder, major depressive disorder, suicide attempts please read at your own risk.
Expect errors here.
Kabanata 29
"Bipolar disorder and major depressive disorder? "I asked them.
I had already read and heard about it, but my mind couldn't process the truth.
Tumango sa akin si Kate bilang pagkumpirma sa lahat. "Kailan lang din namin nalaman 'yan."
"P—paano?" tanong ko.
"We investigate about it," Arthur answered me.
"Kaya humihingi ako ng tawad sa nagawa sayo nung kapatid namin," sabi ni Kate sa akin. "Hindi niya ginusto."
"Hindi niya ginusto yung mga nasabi niya sayo nung araw na iyon, nung nawala ka hinanap ka talaga niya."
Sa nalaman ko tungkol kay Keith ay sobrang sumikip ang dibdib ko. Kaya ba wala siya ng madalas? Kaya ba nawawala siya ng ilang araw?
"Nung nawala ka nga ang sabi niya agad kung nasaan ka eh," dugtong pa ni Kate sa sinabi.
Magsasalita pa sana si Kate pero pinigilan na siya ni Arthur. Nung pag uwi ko sa Condo unit na tinitirhan namin ng mga bata ay naabutan ko silang naglalaro.
"Tita salamat po sa pagbabantay," sabi ko sa Mama ni Davina.
"Walang anuman anak," nakangiti niyang tugon sa akin.
Inalok ko na rin ang nanay ni Davina na sumabay sa amin ng mga bata na kumain.
"Nanay. Okay ka lang po ba?" tanong sa akin ni Symphony.
Nakangiti akong umiling sa kanya, "Okay lang si Nanay,"
"Talaga po?" tanong niya pa sa akin at tumango ako sa kanya.
"Kain na kayong mabuti mga anak," sabi ko nung mapansing pare parehas silang nakatingin sa akin.
Inabutan ko kaagad ng bayad ang mama ng kaibigan ko, ayaw niya pa nga sanang tanggapin pero pinilit ko talaga siya.
Pinatulog ko agad ang mga anak ko at nung nakatulog na sila ay muli kong binuksan ang papel na naglalaman ng kalagayan ni Keith.
"Bipolar disorder and major depressive disorder," my lips trembled when I read those lines using my lips.
Kaya pala pabago bago siya ng ugali nung nasa mansion siya dahil ganon na pala.
A lone tear escaped from my eyes when the truth about him came out. He was diagnosed with an illness that is hard to fight every day.
A mental illness that can affect your daily life. I couldn't imagine his situation for the past few years while he's fighting silently.
"Hinanap kita Flare kaso mahina ako."
Parehas naming hindi ginusto ang lahat ng nangyari sa amin. Hindi ko sinadya na masunog yung mga structural designs niya dahil naipit ako sa sitwasyong kinailangan ko ng pera at hindi niya sinadya ang mga nasabi niya sa akin.
Kapag may ganon kang kalagayan ay hindi mo makokontrol ang nasa isipan mo. Simula nung magkita kami ni Keith at magkaroon ng co-parenting para sa mga bata ay siya ang parating nauuna mag text sa amin, pero ngayon ay naisipan kong mauna na.
To: 0956xxx
How are you?
To: 0956xxx
Nandito lang kami ng mga bata para sa'yo.
Wala siyang ni-replyan ni isa sa mga text kong iyon, kinabukasan ay hindi pa rin pumunta si Keith sa condo.
BINABASA MO ANG
Deception and Desire (Organización Intrepída series#4)
General FictionFourth Installment of Organización Intrepída series Dr. Flare Ashanie Adanza and Ar. Keith Aleister Monasterio story. Flare Ashanie Adanza a woman who loves music and has a natural talent for playing instruments. She grew up in a toxic family and wa...