Parang kelan lang nung binigay yung scripts sa amin. Parang kelan lang nung hinalikan ako ni Josh sa pisngi. Hindi ko pa rin siya nakakausap since then, and now I don’t know if I still want to watch their game tomorrow.
Sana ma-skip ang Sabado ngayong week.
“MIN!!!” as usual, si Luna ulit. Sinalubong niya ako ng hug pagkapasok ko ng pintuan. “Good morning!!!” todo ngiti siya.
“Anong meron?” tanong ko lang habang kumalas sa yakap niya para ilagay yung bag ko sa chair.
“Sungit mo na naman, meron ka noh?” saka siya lumapit sa akin. “Ai, mali pala, kasi kahit wala ka eh ang sungit mo.” Nagpout siya. Porket cute siya kapag ginagawa niya yun lagi naman na niyang ginagawa.
“Wala lang ako sa mood,” ang pangit kasi ng week na ‘to eh. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang daming mali, parang may kulang.
“Onga pala, Min, yung sa practice sa Tae bukas agahan mo ha? Turuan mo ako nung ganun-ganun…” then she made weird gestures with her hand.
“Tama na nga,” hinuli ko yung mga kamay niya, “Nahihilo ako sa’yo eh, baka matamaan mo pa ako.” Mainit talaga ulot ko ngayon.
“Chuuuu…” she made a weird thing using her mouth.
“You look like a fish when you do that. It’s gross. Ano ba yung ipapaturo mo? Yung tawag sa technique na yun?”
“Ewan ko eh, basta ganito yun oh…” tinuloy niya ulit yung ginagawa niya kanina.
Para lang kaming nag-sha-charade, “Knife hand?” isang technique ‘to sa Tae Kwon Do wherein an open hand is hammered down to make impact with the underside. Usually yung sa neck ito itinatama.
“Hindi!!! Ganito nga oh!” she keeps repeating her weird hand movements, hindi ko talaga magets.
Tinitigan ko lang yung ginagawa niya sa kamay niya, “Alam ko na!!!” napatayo pa ako sa excitement, “Four-knuckle strike!!!” ito naman yung ginagamit para mabreak yung board and requires a huge amount of concentration, pero mas cool ‘to in self-defense, kasi sobrang kawawa yung kalaban, pwedeng ma-break ang jaw ng opponent mo, pero not usually used in tournaments.
“OO!!!” kinuha niya yung dalawang kamay ko at nagtatatalon kami sa tuwa. Para lang kaming mga shungah.
Nung kumalma na kami, “Bukas pala nood tayo ng soccer.” I suggested.
“Really?” she has this look na parang may iniisip siya, “Bakit?”
“Tinanong ako ni…”
“Ni Duncan?” singit niya.
“Hindi noh! Bakit ako sasabihan nun na manuod sa laro nila. Hindi man lang ako kinausap nun ngayon week. And sungit-sungit pa niya!”
“Eh sino? Si Josh?” mukha siyang disappointed. Actually, ayaw ko na rin sana talagang manuod eh.
“Kung gusto mo manunuod tayo,” please say you don’t want to.
“Sure, why not. Masaya yung.” She’s grinning. Naiirita ako sa mga reaksyon niya.
Bakit niya naman kaya naisip na tatanungin ako ni Duncan na manuod sa game nila? Weird.
**
Sabado na! ~waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!
First game of the season.
Kung wala lang kaming practice session ngayong Sabado hindi talaga ako lalabas ng bahay, kaso kasi meron. Timing!
“Excited na akong manuod!!!” Itong Luna na ‘to di man lang makaramdam na ayaw kong manuod.
“Ako rin.” Kasinungalingan.
“Bakit ka excited?” ang lakas niyang magsalita, eh pano dadalawa na lang kami dito sa locker room. Nasa gym na yung mga kasama naming magpraractice.
“Dahil makikita kong maglaro si Josh.” Another big lie.
“Si Josh lang?” what is she insinuating?
“Oo.” My plain answer. Ayaw kong mag-isip siya ng iba, ayaw ko rin na isipin niyang type ko si Duncan.
Bakit ko naman magugustuhan yun eh ang sungit niya at ang deadma niya! Ang yabang pa!
“Find your sparring partners and practice the new techniques I taught you yesterday,” napatingin sa akin si coach, “Except you Min. Halika dito.”
Pagkalapit k okay Sir Chris, kinakabahan ako, I hope I’m not in trouble this time. “I forgot to tell you yesterday kasi wala ka sa practice, since you’ve been…” parang ayaw pa niyang ituloy na reprimanded ako at ang punishment ko eh sumali sa presentation sa Drama Club.
“Anyway, you have a match today. Your first game for the season.” Hindi nakatingin si Sir nung sinabi niya ‘to.
WHAT? “Pero sir, hindi ako ready. How? What?” hindi ko alam kung paano ko itatake in yung news na ‘to.
“I know I’m sorry, pero you’re the best player we’ve got for the sophomore division. Hindi naman pwedeng akuhin ni Luna kasi…” napatingin kaming dalawa kay Luna while she practices the Four-knuckle strike, and with the looks of her right now, she doesn’t stand a chance.
“Pero sir, paano kung matalo po ako?”seryoso, paano kung matalo ako? I’ve never lost a match before. Pero ayaw ko din namang manuod nung soccer game.
“You’ve been trained for years already, and you’re really good. Just don’t lose your focus. You have 3 hours to ready yourself.”
Bago pa makaalis si sir sa tabi ko, “Sir, saan ang game?”
He told me na hindi dito a school yung match, kaya natuwa naman ako.
Tawagan ko na lang si Josh na hindi ako makakanuod kasi may game din ako. Win-win.
Totoo talagang in every cloud, there’s a silver lining.
This just means that I don’t have to watch Josh’s soccer game kasi hindi ko pa siya kayang makita kasi hindi pa ako maka get-over sa pagkahalik niya sa akin nung Tuesday. Plus iniiwasan ko na rin si Duncan kasi ang sama niya, buong week niya akong dinedeadma. T__T At naiinis ako sa sarili ko kasi masyado akong affected na di niya ako inaasar man lang. Pft!
Whoooooooooooo!!! I don't have to see Duncan or Josh. Less love life, less drama in life!
Manalo sana ako later.
Manalo din sana sila Dunc—I mean Josh! >.<
*****A/N*****
Nakailang updates ba ako today? LOL Pero feeling ko it doesn't make sense. :P Meron ba? xD
Sana napagtiisan niyong basahin. hahaha
Matutulog na nga ako. Good night my lovely readers. Salamat sa pagbabasa, I totally appreciate it.
BINABASA MO ANG
I Think I've Met My Match <fin>
Genç Kız EdebiyatıMinerva Gatchalian, sophomore in High School, a girl who's tough on the outside but she's actually a sweet girl who's scared of a lot of things but doesn't want to show any weakness. Pero may isang makakatrigger ng lahat ng weak points niya, siya na...